Kung hindi ka nakapanood ng MMFF 2013 Gabi ng Parangal, well, maliban sa results at winners, na nai-chika na namin sa’yo, may iba ka pang na-miss. Tulad na lamang ng…
OUTFIT NI KC CONCEPCION
Sa totoo lang, sumakit ang ulo ko, nanginig ang kalamnan ko, pati in-grown ko affected nang makita ko ang suot niya. Napakadaming tanong ang agad na umagos sa aking isipan. Una, sino ang Pontio Pilatong designer na gumawa niyan??? Pangalawa, ano’ng hayop kaya ang kawawang pinaslang o kinalbo maisakatuparan lang ang “sketch” ng Pontio Pilatong designer na gumawa niyan??? At pangatlo, kaninong jejemon/emo/rockista/pet-owner kaya inagaw ang mga “chains” na isinabit sa kanya??? Inaaaay!!!
BABY JAMES
Sa category na Best Child Performer, nominated sina Baby James at Ryzza Mae Dizon. Obviously, si Ryzza ang nanalo. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit nang manalo si Ryzza, sumama si Baby James sa pagtanggap ng award? Diba ang escort nasa gilid lang? Alam kong cute si Baby James…pero mukhang may namana siya sa pinagmanahan…#AlamNa
AGOT ISDATCHU?
—
Nanalo si Agot Isidro sa category na New Wave Film Best Actress. Wala siya para personal na tanggapin ang award kaya nagpadala siya ng representative. Ang panalo ni Agot ay para sa pelikula na “Mga Anino ng Kahapon”. Pero yung pinadala niya, parang representative ng “PAGPAG”.
Kung sino man po kayo, peace!!! 🙂
—
hahhaha natawa ko rin ako s representative ni agot.. wheeew
haha laugh trip ako sa representative ni agot!