• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

Buenas na 2014

Provinciated · Jan 2, 2014 · Leave a Comment

Happy New Year, mga ka-soshalan!!! Mukhang tunay na magiging buenas ang 2014 namin dito sa bahay. Bakit kamo? For the very first time this holiday season, sa halip na nakasahod na palad ang sumalubong sa amin, may nag-abot ng pera!!! Eto oh…

 

 buenas

 

 ‘Yan si Roel, and aming ever-loyal driver, at hawak niya ang very first “pamasko” na natanggap namin — tumataginting na P300! Pero bakas sa mukha ni Roelski ang pagkalito at pagtataka. Marahil dahil ang nagbigay ng P300 ay si EDWIN.

  

Pasensya na kayo at wala akong picture ni Edwin. Parang bula kasi naglalaho yun. Pero minsan naman, katulad kaninang umaga, biglang pumapasok sa gate at makikita na lang namin ang mukha niya sa screen ng pintuan sa kusina. Sumisilip. Scary. 

 

Nakakatakot talaga kasi may bisyo daw si Edwin. Medyo malala to the point na nagkadiperensya na siya sa utak.

 

Edwin:       Roel, eto oh. (Sabay abot ng P300.)

Roel:         Oh, para saan ‘to?

Edwin:       Pamasko ko. Pang-gastos niyo ng amo mo…

                 at bayad ko na rin sa paglilinis ng kotse.

Roel:         Kaninong kotse?

Edwin:       Kotse ko.

Roel:         Asan ang kotse mo?

Edwin:       Ayan oh! (Sabay turo sa kotse ko!!!)

 

Award! Ito namang mokong na si Roel, tinanggap ang P300!!! Hagalpakan kami ng tawa dito sa bahay!

 

Roel:         Aba, inabot e. Tinanggap ko.

Nene:        Patay ka, Kuya Roel! Pag siningil ka nun, P500 na!

                Sino nga ulit yung Edwin?

Roel:         ‘Yung may topak na taga-tramo na parati sumisilip dito.

Nene:        Ahhh! Yun ba ‘yun? Ate P, tuwing nakikita ako nun sa labas,

                sinasabihan ako nun.

P:             Ng ano?

Nene:        “Pakisabi kay P, ‘I LOVE YOU’ kamo.”

 

Inaaaaaaay!!!

 

Kinwento ko kay Papa N…

 

P:             Papa N, humanda ka. Mukhang mas galante ang karibal mo.

                Cash kung cash! Haha!

Papa N:     Hahaha!

                Uhm…P, talagang ako lang pala ang matinong

                nagkagusto sa’yo noh?

 

SHAFAL!!!

 

Ah basta magaganda kami dito sa bahay. Dahil kung si Nene may SPRITE  na nag-aalay ng tilapia at asin, ako naman may EDWIN na salapi ang dala. Haba ng hair!!! 🙂

—-

Related Posts

  • Update Kay SpriteUpdate Kay Sprite
  • Banda Rito Banda RoonBanda Rito Banda Roon
  • ALL RICE!ALL RICE!
  • The Lost Teng BrotherThe Lost Teng Brother
  • Tinalo ni Mitch si Maring Tinalo ni Mitch si Maring
  • Mommy FleurMommy Fleur

Provinciated Cavite, kuwento, New Year, WATPION

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS
Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hab Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hablot ka lang ng items, ngayon, iisipin mo muna kung bibilhin mo o hindi bago mo hawakan.
2. Dati, pwede ka abutin ng 3 oras sa pag-iikot, ngayon nag-aapura ka makalabas ng grocery! 
3. Dati, pwede pa gumala after shopping, ngayon, uwi, ligo, disinfect! 
Got THE NEW NORMAL errand tote bag and wallet from @bes_ph (Basic Essential Supplies). Dahil kung dati, pwede pa mag-ulit ng bag, ngayon, dapat direcho laba na! 😉
How to stay fit while doing household chores. #squ How to stay fit while doing household chores. #squatspamore 😂
Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel!!
Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura nam Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura namin 10 years ago. Hindi kasi kami kumakain ng cake noon...tinatapal lang namin sa mukha. Foundation pa more!!! 😂😂😂
Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting 😂
  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in