.
Kung may nag-aabot ng flyers sa inyo sa mall or kalsada, tinatanggap niyo ba?
.
(photo from google)
.
Ako tinatanggap ko. Kahit na dagdag na panggulo sa buhay at sa bag ang mga flyer na iyan, tinatanggap ko kase nakakaawa yung mga nag-aabot. Nakatayo sila buong araw sa entrance ng mall, pero hindi naman sila security guard.
Pero nag-iba na ako. Ayoko na ng flyers.
Nung galing kaming Divisoria ni Papa O, hagard ang itsura ko. Pasensya na, madaming tao nun. Christmas season. Kulang nalang ipa-blotter ko ang siksikan sa Divisoria at ang ill effects niya sa pagkatao..
Pagkatapos mag-exchange gift ng mga pawis, pumunta kami ni Papa O sa isang soshalin na bagong mall dun din sa Divi. Sa entrance, may pila. Lahat ng pumapasok sa harap ko, inaabutan ng flyer ng condo… PUWERA AKO!!!
Baket? Dahil ba mukha akong dugyut? Ibig ba niyang sabihin eh sa dinami-rami ng mga tao sa Divisoria….
.
AKO LANG ANG DUGYUT?!
.
Maya-maya may lumapit sa akin, nag-abot ng flyer. Naisip ko, ah baka hindi naman pala ako yung latak ng Divisoria. Baka inisip nila na kailangan ko muna umupo para ma-appreciate ko ang flyer. Napansin ko kase na pili lang mga inaabutan niya. Nawala na ang inis ko sa condo flyer dahil, well apparently, special ako, and I deserve special attention.
Until nakita ko yung flyer na inabot sa akin…
.
Lose 15 pounds without exercise!
.
Anak ng tokwa! Ako na nga itong dugyut, ako pa tong mataba?! Puwede bang isa-isa muna?! At puwede ba… kung dugyut ako at mukhang wala rin akong pambili ng condo, eh bakit ako may pambili ng pagkain para tumaba?! Nalilito na ako.
Kaya sa mga nag-aabot ng flyer, pakiusap. Alam kong trabaho lang yan para sa inyo pero minsan nakakasakit kayo ng damdamin. 😜
.
I feel for you sister! Nag barkada reunion kami noon sa Megamall. Tapos namin mag buffet sa Dad’s naglalakad na kami sa mga shops. Yung kaibigan kong hawig ni Aileen Damiles na isang Beauty Queen ang inaabutan ng flyer. Ang kinasama nito, nasa left side ko sya at talagang hinarang ang braso para iaabot sa kasama ko. O di ba? Pinamukha pang invisible ako?
Hahaha! Kami ng boyfriend ko ginagawa naming game yan. Pag nasa mall kami at may matatanaw kaming stalls ng condo developers, naghihiwalay muna kami sa paglalakad at titignan namin sino ang bibigyan ng flyer. Ang mabigyan mukhang mayaman for the day.
Sa kasawiang palad parehas kaming hindi nabibigyan. Hahaha.
Bwahahaha! I can so relate to this!!
Minsan naglunch kame ng mga officemates ko..5 kame non..tapos may nagaabot ng flyer..and ako lang talaga inabutan..ang nakasulat sa flyer in big bold letters eh “WANT TO LOOSE WEIGHT AND BE HEALTHY?”
shet! tawanan mga officemate ko..ang shaket shaket ha!
Ganito din ako! Tinatanggap ko yung flyers kasi I feel for them. Kawawa naman. Kaso nung minsan dumaan ako sa Mercury Drug – Trinoma, inabutan ako ng flyer. Yung mga pampapayat na gamot. Kajirits!!! Wag na lang sila mamigay ng flyers!!! Hindi ba nila naisip na nakakayurak sila ng self-esteem?? NKKLK! Hahaha
Hahaha!!! Speaking of katabaan, ako naman hindi sa flyer-ing guys/girls. Sa beggar.
Lumabas ako ng 7/11 na may dala dalang cookies na kakabukas lang, paglabas ko, hinihingi na agad ng isang beggar kid. So hindi ko binigay, sabi ko, “kakabukas ko lang, nito”.
Sabi ba naman sakin, “KAYA KA MATABA!” — sabay takbo. Bwiset siya!
bwahahahahahahahahaha!!!!! di ka kasi nag-share!!! hahahahahaha!!