Malapit na ang 5th Anniversary namin ni Papa O. Napag-usapan namin yan nung nag-celebrate kami ng 25th birthday ni Fleur with Bing, Pineda and Arnaiz at ang mga hubbies.
Sina Fleur and Pineda, gusto mag-renew ng marital vows with their husbands. Si Papa O ayaw kasi baka mag-iba na daw isagot niya. Buwiset hahaha!
Habang pauwi na kami…
Me:
B, paano nga natin ice-celebrate ang Anniversary natin?
Papa O:
Sabi ng Notebook ko, wood daw dapat ibigay sa 5th Wedding Anniversary.
(Sabay laki ng ngiti.)
Me:
Wood?!! Bakit wood?? B, ayoko ng aparador!!
Gusto ko bling bling!
Papa O:
Grabe ka naman!!! Siyempre bling bling ibibigay ko sayo noh….
Shiny aparador.
Kainis! Kurips lang talaga ng asawa ko. Okay lang sana kung kailangan ko ng aparador or anything na wood. Eh hindi!
The next day, habang nasa office ako, may na-receive akong text from Papa O.
Papa O:
B, pareho pala tayo ng planet, Venus.
Me:
Ha?
Papa O:
Sabi ng Notebook ko.
Anak ng!!! Ano ba meron sa Notebook na yan at pinagbabasehan ng mister ko ang kapalaran ng pagsasama namin?!
Hoy, Papa O, AYOKO NG WOOD!
Susunugin ko yang Notebook na yan!
P.S. Sinilip ko kahapon ang mahiwagang Notebook. Andun nga ang wood! Ano ba!!! Hahahahahaha!!!
Waaaahaha. Wit ka lng sa 20th year niyo, D. Either ibibigay niya sayo ang buong China or kapirasong China – plato. Hihihi
Actually, wood anniversary ang tawag sa 5th anniversary. Parang silver anniversary pag 25yrs na. 🙂 it doesn’t mean na wood ang dapat nyang ibigay sayo. Pero kung joke to, sorry naman at pinatulan ko. Hahahaha…
pero wag kang pumayag na wood ang ibibigay nya sayo..baka makaisip si papa ng mga inukit na kahoy sa laguna. Lugi ka! Hahahaha..
Hahahahha! Mukhang hindi nagjojoke si Papa O, Reigne!
pumayag ka na sa wood, it seems determined na talaga si Papa O na sundin ang notebook niya whether you like it or not, lol! you can check this link http://www.uncommongoods.com/sets/wooden-gifts and maybe you can choose some cute wooden gifts. online nga lang, hahaha! Goodluck kay Papa O!
Ohmygosh, ang ganda ng link ng sinend mo!!! Super thanks! 🙂
25TH BIRTHDAY TALAGA??????
oo 25th naman talaga ;-P
Pumayag ka na sa wood, D. Ask for a nice wooden jewelry box with LOTS of bling-blings inside! 😀
Nakupo, Peachy!!! Hindi uso kay Papa O ang multiple gifts! Hahahahaha!!! Pero actually kahit wala siyang gift keri lang. Nakakainis lang na nagrerely siya sa notebook niya haha!