May event kami ni Baby A na pinuntahan sa Podium. Na-excite ako kasi ang balita madaming artista ang pumupunta sa Podium. Mejo mahirap nga lang mag-hunt ng celebrities pag kasama si Baby A. Malingat lang ako ng konti, malayo na ang tinakbo ni junakis!
Pero kahit na naka-focus ako kay Baby A, hindi nakalampas sa mata ko ang celebrity na ito.
Lalake, chinito at funny ang celebrity na na-meet ko.
Hindi si Ser Chief…
Hindi din si Xian Lim…
Batang bata ang celebrity na ito…
Batang bata nung dekada sitenta!!!
–
–
Gary Lising in Podium!
Hi Tito Gary! Salamat sa photo 🙂 Pasensiya na hinarang kita sa escalator. 🙂
bakit ganun ang tingin ni baby A kay gary lising?