Bilang wala na si Mother Earth, kami na ngayon ni Father Thunder ang heads of household. Kami na umaasikaso sa pagbabayad ng bills, pa-sweldo, groceries, etc. etc. Dati kasi nag-iintrega lang si daddy ng datung kay mudra at siya nang bahala. Ang masasabi ko lang, mahirap pala mag-budget!!! Kailangan maging praktikal. Yung mga dating tine-take ko for granted, aba, may katumbas pala ‘yun! Kaya kami sa bahay ngayon, may ginagawa na ring measures sa pagtitipid. Eto ang ilan…
1) Bumili nang bultuhan.
Halos every 3 weeks na kami naggrocery ngayon. Madalas, sa SnR. Malakihan kasi ang packaging dun, lalo na ng sabon, fabric conditioner, tomato sauce, etc., kaya kahit papaano, nakakatipid. Sigurado pa kaming fresh at malinis ang mga karne.
2) Mag-palit ng appliances.
Kung may extra money rin lang naman kayo, makabubuting mag-invest sa makabagong appliances. Sinimulan nina Mother Earth at Father Thunder bumili ng inverter-type na aircon last year. Ako naman, pinag-ipunan ang inverter-type din na refrigerator. Yung refrigerator, may libreng LED TV. Sa ilang appliances na ito pa lang, nangalahati (OO, NANGALAHATI!) na ang electricity bill namin!!!
Totoo, medyo mas mahal ang mga ito pero kung tutuusin mo ang natitipid sa monthly bill namin ng Meralco, sulit naman. Next project ko nga ay LED Lights (c/o LUMSENSE LED LIGHTING of course) at inverter-type din na washing machine.
3) Carpool
Nagddrive kasi ako. Kino-compute ko ang nagagastos ko sa gasolina at pumapatak na P1,500 a week! Ang mahal diba? Pero ano magagawa ko, e taga-BaCav ang beauty ko. Araw-araw akong “lumuluwas” pa-Makati.
Buti na lang at may bus service ang office namin. Kaya sa mga araw na maaga ako nagigising, sumasabay na ako sa bus.
Plus, kapag may mga lalakarin din ang Father Thunder sa Manila or Makati, isang biyahe na lang kami. Ang susi lang naman ay kaunting foresight at scheduling.
4) Nagbabaon ng pagkain.
Sa totoo lang, magastos pumasok sa opisina araw-araw. Maliban sa pamasahe at gasolina, siyempre kailangan mo rin kumain nang ayos. Maigi kung sa mga Joliijeep o Aristocart lang kayo parati bumibili. Ang masama, minsan ay nagkakayayaan ang officemates mag-splurge at napapakain sa Greenbelt. Todas!
Mas safe pag may baon kang pagkain. Unang-una, dun mo na lang yan kukunin sa groceries budget mo. Pangalawa, di ka na matetempt kumain sa labas kasi manghihinayang ka at baka mapanis ang baon mo. Hehe.
‘Yan ay ilan sa mga tried-and-tested tips ko sa pagtitipid.
Speaking of tipid, noong isang araw, nakita ni Father Thunder ang bill namin sa tubig.
Father Thunder:
Wow! Mula, P1,500 naging P900 na lang ang tubig natin!!! Very good!
Nene:
Hindi na po kasi ako madalas maligo e!!!
Proud na proud pa siya sa pagkakasabi niya ha! Walang bahid ng alinlangan o kahihiyan. Uhm, Nene, mas gusto naman naming magbayad ng mas mahal, kesa mangalingasaw ang buong bahay. Kaya pala dumadami ang langaw sa’tin. Ikaw ang dinadayo. Peace! 😛
tig magkano yung mga nabili nyong inverter type appliances?
In fernes, malamig talaga ngayon kaya kahit maligo ako sa gabi, sandaling sandali na lang :p