Nagkukuwentuhan kaming magkakaklase noong highschool. Nabalitaan kasi namin na sa dating eskuwela, may batang tinusok ng ballpen ng kaklase. Nasugatan ito sa braso kaya naghoromentado ang mga magulang. Nag-threaten pa na idedemanda ang paaralan because “they didn’t handle the situation well.” Well, naiintindihan ko naman na walang magulang na matutuwang masaktan ang anak niya.
Maigi nga at may Republic Act No. 10627, also known as the Anti-Bullying Act of 2013. Sa batas na ito, “bullying” is defined as:
“any severe or repeated use by one or more students of a written, verbal or electronic expression, or a physical act or gesture, or any combination thereof, directed at another student that has the effect of actually causing or placing the latter in reasonable fear of physical or emotional harm or damage to his property; creating a hostile environment at school for the other student; infringing on the rights of the other student at school; or materially and substantially disrupting the education process or the orderly operation of a school xxx”
Pero noong panahon namin, noong wala pa ang Anti-Bullying Act, hindi big deal ang mga ganyang eksena.
Naaalala ko nga na may kaklase ako noong Grade 4 na itago na lang natin sa initial na M. Medyo weirdo talaga ang lolo mo. Kung pagdo-drawing-in kita ngayon ng picture ng “nerd” o “geek”, malamang si M ang ma-drawing mo. At dahil may pagka-teacher’s pet ako noong kabataan, sa akin tinabi si M para ma-siyento ko kapag nagiging pasaway.
First day na nilipat siya sa tabi ko, ang bungad niya sa’kin…
M:
Hey, you wanna look at my drawings??? (Oo, ENGLISH siya magsalita! Inaaaaay!)
P:
…
M:
Here’s my drawing of Donatello. This is Michelangelo. This one is Leonardo and here’s Raphael.
P: Wow, that’s great! (TRANSLATION: PAKE KO?!?!?! Teenage Mutant Ninja Turtles AMP!)
Minsan akong pumasok na bagong gupit. Oo, tama ang hinala mo, APPLE CUT!
M:
I see you cut your hair.
P:
Yes. (Hanga ka na ba sa English ko?)
M:
I don’t like it. You shouldn’t have cut it. I like it longer.
P:
Oh…(TRANSLATION: PAKE MO?!?!?!)
Parang ako ang binubully nitong mokong na ‘to ah!
Siyempre, bilang Grade 4, basic sentence construction ang itinuturo sa amin.
Teacher:
Ok, class. We’re learning about the parts of a sentence. Can someone give me an example of a sentence with a subject and a predicate?
Walang nagtataas ng kamay.
Teacher:
No one? Ok, M. Please give me a sentence and we’ll analyze it. (Akmang isusulat sa blackboard)
M:
Ok…The sniper assassinated the President and left him with blood oozing from all over his body.
Hindi naisulat ng teacher ko sa blackboard. Walang kumibo. Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot. Sentence lang e. Hindi ba pwedeng “The apple is red”???
Kaya hindi kataka-taka na na-bully si M nang sandamakmak noong elementary. Nakita ko siyang binubuhat ng highschool boys at parang elisi na pinapaikot-ikot sa ere! Kawawa naman…
Isang araw, pumasok siyang handa. May dala siyang helmet.
Good for him! Proteksyon niya siguro yun just in case may mang-bully na naman sa kanya. Nagkamali ako.
During lunch break, sinuot niya ito. Hinawi ang mga upuan at tumayo sa harap ng classroom. Biglang tumakbo nang matulin papunta sa likod, una ulo, sabay sigaw ng…
I’m a human cannonball!!!
BOG!!!
Alam kong walang may deserve ma-bully at masaktan. Pero pag ikaw na mismo ang gumagawa ng paraan, aba, e ibang usapan na ‘yan.
(pics from google)
Leave a Reply