Pinadala sa akin ni Papa N ang link sa article na ito…



![]()
Source: http://sowhatsnews.wordpress.com
Tawang tawa ako! Meron nga kayang nag-file ng ganitong bill? Hindi ko na-verify kung totoo. Tamang tama, noong birthday ni E1, tinanong ko si Ate E (wife ni Kuyakoy), bilang “politicians” siya, kung nabalitaan niya ang tungkol sa proposed bill.
P: Ate, nabalitaan mo yung bill na gagawin daw
“National Ultimate Heartthrob si Piolo Pascual?
Ate E: Huh? Meron bang ganun?
P: Oo, ate. Taga-Bohol daw ang nag-file e.
Congressman Mabuti ata ang pangalan.
Ate E: Hindi ako familiar sa kanya.
P: Ah ganun…baka joke nga lang.
Biglang sumingit si Kuyakoy.
Kuyakoy: Totoo yun.
P: Weeeeh? Totoo nga, Kuy?
Kuyakoy: Oo, totoo.
P: alaga? Pambansang Heartthrob si Piolo???
Kuyakoy: Oo nga. Kasi…ganito yun…dalawa kasi kaming pinagpipilian dun.
BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!
Nagtinginan ang mga tao sa restaurant. Muntik na ko mahulog sa upuan! Serious na serious kasi mukha ni Kuya!!! E mukhang very credible pa naman yun. Tignan nga natin…



LEVELZZZZZZ!!!






Teka… Bakit yung los banos chapter ang napili dun sa national fans club???? Hindi ba nagpperform well ang ibang chapters ng Forever Fans of Piolo Pascual??
ahahaha 😀 hagalpak ako sa tawa dito.
pero seriously? National Heartthrob?
Si Kuya pala ang peg ni Piolo!
In fairness, andami kong tawa dito ah!!! :p