• Home
  • Meet the TSN Girls
  • Domesticated
  • Provinciated
  • Sophisticated
  • Celebrity Pin-up
    • Facebook
    • RSS
    • Twitter

The Soshal Network

  • The Soshal Planet
  • Giveaways
  • Entertainment
  • Food and Places
  • Parenting and Marriage
  • Fashion and Beauty

Napamura sa Shu Uemura

March 7, 2014 by Provinciated 17 Comments

          May aattendan akong baby shower ng highschool friends ko. Naka-register daw si baby sa Rustan’s. So the Friday bago ang party, nagkumahog kami ni Atekupungsingsing sa Rustan’s Makati para bumili ng regalo.

 shu1

          Pili, pili, pili. Bayad. 

          Pagbaba namin sa ground floor sa perfume at make-up section, naglambing si Atekupungsingsing. May nakita raw siyang lip gloss sa magazine. Bilhan ko raw siya. 

          P:        Ano’ng brand ate?

          Ate:    Katulad nung bigay ni Tita L sa akin.

          P:       CLINIQUE???! Inaaaaaaay!

shu2

          Hindi kasi ako alam sa make-up. At lalong hindi ako mahilig sa mamahaling brands. Basta hindi nangangati at tinutubuan ng kachichas ang mukha ko, ayos na sakin. Pero dahil Atekupungsingsing ko ang nag-request, sige na nga. So pumunta kami sa booth ng Clinique. May foreigner na babaeng lumapit sa’min to assist. Tago natin siya sa letrang “M”. [email protected]#t. 

       M:      Hi, are you looking for something specific?

P:       Lip gloss. (Mga ganun lang dapat ang banat para di humaba ang usapan)

M:      Owww, what shade would you like? I think this will look good on you.

P:       Not me. My sister.

M:      I see. Does she prefer a pinkish shade or something in orange…. 

Dumanak ang dugo. Pati monthly period ko, muntik nang lumabas. Sa madaling salita, sinamahan na niya kami hanggang counter. Pagbukas ko ng wallet para magbayad, nahuli ko si M na sumilip sa wallet ko. Nagkataon namang madaming cash ang laman. Hindi akin yun. May pinababayaran lang sa’kin si Father Thunder. PATAY! Hindi na niya kami tinantanan. 

M:      How about you. Do you need anything?

P:       I’m thinking of buying foundation but maybe not tonight.

           We’re in a hurry. (Palakpakan!!!)

M:      I suggest you try SHU UEMURA. That’s the brand I use.

P:       Ok. Maybe next time. 

Kumaripas na kami ng takbo palabas bago pa ulit kami paulanan ng English. Pero…ANAK NG TINOKWA’T BABOY, HINDI KO MAHANAP ANG EXIT!!! 

 shu3

          Kahahanap ng labasan, nadaanan namin ang Shu Uemura. BIG MISTAKE! Parang buwitre nila kaming dinamba – si M at ang tropa troops niya! Before I knew it, tinatapalan na nila ng kolorete ang mukha ko!!! 

          Mahirap pala tumanggi in English! Andami kong gustong sabihin in protest sa pambubully at pangpi-peer pressure nila sa’kin pero di ko magawa. 

             Paano ko sasabihin ang… 

“Tigilan niyo nga ‘ko!”                       –        Stop me!

“Wag niyo nga ako pagtulungan.”     –        Don’t help on me.

“Wala ako’ng plano pakyawin yan!”  –        I don’t plan to Pacman! 

Shet! Shet! Shet! 

Ang kinatapusan…eto… 

shu4

       Ang dapat ay foundation lang, nasamahan ng blush, loose powder, makeup remover at primer. Primer???! Ni hindi ko nga alam kung ano at para saan ang primer e!!! Daig ko pa ang nabiktima ng BUDOL-BUDOL. 

M:      How would you like to pay for this? Cash or card?

P:       (Tulala…) Card…

M:      Straight payment or installment?

P:       (Nabuhayan ako ng dugo) INSTALLMENT!!! 3 MONTHS!!! 

Nang kami’y paalis na, inabutan ako ng VIP Lifetime Membership Card. 

shu5

Shu Fanatic…Shuwe! 

M:      You know, you have such beautiful eyes.

            I was about to suggest some of our eye makeup as well…

P:       (Sa isip ko) MANAHIMIK!!! 

Hindi na ‘ko kumibo. Nag-walkout na ko bago ako tuluyang lamunin ng kumunoy. Siguro strategy talaga nila na foreigner ang gawing salesperson para intimidating? Siguro alam nila na mahirap tumanggi in English? Siguro tinarget talaga nila ako? Hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko. I felt violated. 

Pikit-mata kong pinirmahan ang resibo.

Natanga ba ako o nabobo?

Tila ako’y naloko.

O kay sakit sa dibdib at ulo! 

Tatlong buwan kong bubunuin ang nangyaring ito. Kaya kailangan tatlong buwan din tumagal ang makeup ko. Shet na malagket nagkadiket-diket na kulay violet.   

Related Posts

  • TuesdayTuesday
  • ST. NAILS SPA: Not your ordinary manicuristaST. NAILS SPA: Not your ordinary manicurista
  • Mastercard and Make It Happen Presents: PROMDIRELLAMastercard and Make It Happen Presents: PROMDIRELLA
  • Si P, Makati Girl???Si P, Makati Girl???
  • RamblaRambla
  • Pampered by St. NailsPampered by St. Nails
If you like this post, please click any of the buttons below 🙂
  • Add to favorites
  • Tweet

Filed Under: Provinciated Tagged With: kuwento, Makati

Comments

  1. Sanie C says

    April 20, 2018 at 5:30 pm

    Next time na maganyan ka sagutin mo agad ng “oh thanks, but I have that na”. Tapos walkathon ka na hehe! Makeup addict ako pero yan ang lagi kong sagot kapag W-W na (walang wala). 🙂

    Reply
  2. Monique Bulatao says

    April 20, 2018 at 4:52 pm

    Akala ko may sale sa Shu Eumura yung pala napa pacman! LOL :’))

    Reply
  3. KL says

    April 20, 2018 at 4:39 pm

    Omg hahaha napasaya mo ako ate. budol budol mahirap tlga tumanggi kalo na pag pinupuri ka nila LOL prang gsto mong bilhin lahat. Matanong ko lng, taga cavite po kayo? Kasi yung cachichas sa caviteño ko lang narinig hndi alam ng mga manilenyo friends ko. Ano raw yun?

    Reply
  4. Jenné says

    May 26, 2016 at 10:31 am

    Ngayon ko lang to nabasa. Dami kong tawa. Hahaha. Pantanggal stress tlga ang blog nyo. 🙂 🙂 🙂

    Reply
  5. HindiSosyal says

    August 8, 2015 at 1:18 am

    pag nag ooffer sakin sinasabi ko lang “sorry but your products test on animals” haha para di na humaba usapan

    Reply
    • Stela says

      April 20, 2018 at 6:32 pm

      I use the same technique:-) People should be more aware about cruelty free products that are way more awesome like Kat Von D, Urban Decay, Fenty, Jane Iredale, Too Faced, Bodyshop, etc…

      Reply
  6. Dina Tuto says

    August 7, 2015 at 9:55 pm

    Ganyan din halos ang nangyari sa akin kasama ng mahal kong ina. Sa Fairview Terraces naman ang eksena. Naghahanap lang kami ng face powder nang meron ding humarang at parang armalite na nagtanong na foraynger sa amin. Di ma ingles nanay ko pero sinasagot nya mga tanong nila. Ako bilang anti social much… di ako nasagot. Nung di na kinaya ng nanay ko sumagot at napagod na ako sa kakapakinig ng litanya ni atey…antagal kasi ng sales pitch niya… halata namang nambobola… bigla kong sinabi… “she doesn’t need expensive makeup, and just needs a facepowder because she’s already beautiful and we’re in a hurry, gotta go bye” sabay hatak sa nanay ko palayo sa mga buwitre. Pak! 180! Ganown! Just learn to say no and mean it! With conviction and feelings! Kung kaya mong lumuha sa kaliwang mata lang, gawin mo na rin for added epek.

    Nasiyahan ako sa kwento mo atey! Naway pagpalain at tumagal ang makeup na yan for 3 months.

    Reply
  7. Beth says

    August 7, 2015 at 6:40 pm

    Hahaha! Soo true! Relate much 🙂

    Reply
  8. Meg says

    August 6, 2015 at 4:51 pm

    naku! Lakas ng tawa ko. Relate. Had the same experience in buying makeup.buti di sa Rustan’s.
    I enjoyed reading. Yes, nawa’y wag magka filter. 🙂

    Reply
  9. Ramil says

    August 6, 2015 at 3:56 pm

    i love your style of writing… very creative and funny. keep it up.

    Reply
  10. edub says

    June 21, 2014 at 5:39 am

    LOL napapatakip-mukha-with-both-hands-while laughing pa ko dito sa opis sa u.s. of a. para maharang ko ang malakas na tawang gustong umeskapo sa baga ko. di ko akalain i’ll ever read the words bully, kumunoy at kachichas in an article about buying makeup.

    Reply
    • Provinciated says

      June 21, 2014 at 9:05 am

      Binasa ko nga ulit yung article nang mag-comment ka. Tila wala talaga akong filter magsulat. Haha! But I’m glad you enjoyed. Hello mo naman kami sa mga American friends mo dyan sa U.S. Of A! 😉

      Reply
      • edub says

        June 21, 2014 at 10:22 am

        Nawa’y ‘wag ka ever magka-filter hahaaa, your posts wouldn’t be as fun.

        Reply
  11. Chippy says

    March 7, 2014 at 12:52 pm

    Dapat Shu UeMAHAL ang tawag

    Reply
  12. Hazel g. says

    March 7, 2014 at 12:02 pm

    Miss p.akala ko pampintura lang sa bahay yung primer, kaloka!

    Reply
  13. izza says

    March 7, 2014 at 9:26 am

    uy make up and i like it! shu uemura is one the best brand/item since yun ang ginagamit most of the makeUp artist.. Make Up 101 – Primer, para hindi matanggal agad-agad ang eye shadow mo khit 24hrs ka pang umattend ng parteeeeyyyyyy! infairness ayos sa sales talk si foreigner ha?! mpapabili ka talaga! 😀

    Reply
  14. Jocris says

    March 7, 2014 at 7:00 am

    Awwwwww…. That’s really a kind of strategy!

    Reply

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.



Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

RECENT POSTS

  • Anong Klaseng Videoke Singer Ka?
  • ScienTITAS | a Comparative Study of Oven Toasters
  • #YeyeySerye
  • Life Lessons from Lipstick Challenge
  • 2019: Happy New Me!
  • The Affair
  • What Misis Really Means
  • KonWari KonMari
  • Soshal Tips Para Masulit ang Hotel Staycation
  • Travelling with Kids

Tags

Addie baby Baby A beauty birthday Cavite Celebrity Pin-up childhood Christmas conversations event events family fashion feature food giveaway instagram kids kuwento love Makati memories motherhood news OOTD OOTS Papa O parenting party Philippines picture feature places restaurant showbiz soshal climber Soshal Solution sponsored tips travel TSN video WATPION wedding YouTube

Follow Us on BlogLovin’

Follow on Bloglovin

web counter
web counter

Copyright © The Soshal Network2019 · Blog Design by Fancy Girl Designs · Built on the Genesis Framework