Madaming Pilipino ang naniniwala sa faith healers. Hindi importante kung ano ang relihiyon mo o kung may relihiyon ka man. Kapag may napabalitang gumaling sa hilot o dasal, at ang isang tao ay may pinagdadaanang karamdaman, malaki ang posibilidad na mapaniwala rin siya.
Isang beses, naimbitahan sina Father Thunder at Mother Earth sa healing session ng isang sikat na healing priest. Medyo exclusive yung event. Iilan lang ang nakumbida kaya gustong gusto ni mudra pumunta. Hopefully daw, matanggal ang mga kumikirot sa katawan nila. Si daddy naman, join na rin.
After mass, pinahilerang nakaluhod lahat ng gustong magpa-heal at isa-isang nilapatan ng kamay ng pari.
(Photo from google)
Mula sa dulo ng hilera, bawat isa na nilapatan ng kamay ng pari sa ulo ay natumba. Supposedly, gawa yun ng Holy Spirit na siyang magpapagaling sa kanila. Kung baga, may semi-hypnotic effect ang healing na ginagawa ng pari. Buti na lang, may mga assistant na nakaabang at sumasalo sa likod ng nagpapagamot.
(Photo from google)
Pagdating ng turn ni Father Thunder (nauna siya pero magkatabi sila ni Mother Earth), eto na…
Nilapat ng pari ang kamay niya sa ulo ni Daddy……..hindi natumba.
Tinulak ng pari ang noo ni Daddy……….hindi pa rin natumba. Ang tindi ng balance!
Mapapahiya ang pari. Hinila na tuloy ng mga assistant ang t-shirt ni Daddy sa likod……..wa epek pa rin!!!
Medyo nahihirapan ang healing priest kay Daddy…medyo nagkaka-issue na rin at umiingay na sa venue…e ano gagawin ni Father Thunder, hindi daw talaga siya kusang natutumba e??!
Na-highblood na si Mother Earth. Siniko si Daddy!
TUMBA AGAD!!!!
Bwahahahaha! Wala sinabi ang healing priest sa siko ni misis!
I guess hindi talaga para sa lahat ang faith healing. Not to say na walang faith si Daddy-o ha. Siguro sing-tibay din lang kasi ng faith niya ang tuhod niya. 🙂
Leave a Reply