Iba na talaga ang panahon ngayon. Noon, Chinese garter lang at piko, solb na tayo. Pero di na ‘yan uubra sa mga bata ngayon. Mas mahirap na sila aliwin. But not to worry…
Introducing, the pinagkakaguluhan ng mga bagets (at ilang not-so-bagets), RAINBOW LOOM!!!
Si E2 ang nag-introduce sa akin sa kakaiba, fun at nakaka-adik na paraan ng paggwa ng accessories na ito. This is perfect for your kids this summer. Siguradong tanggal ang inip nila, productive pa!
The Rainbow Loom kit costs P899.75. This includes the template, 600+ mix color rubber bands, c-clips (Ayon kay E2, c-clips daw pag original at s-clip kapag fake. Oo, meganon) and hook. If you wish to buy more rubber bands, makakabili sa Toys R Us for P179.75 per pack of 600+. One pack can make up to 24 rubber bracelets depending on the design.
Speaking of design, ANDAMING PWEDENG PAGPILIAN! From the simplest chains to the more complicated “starburst” design. Eto ang ilan sa mga nagawa ni E2. Take note, sa youtube lang siya natuto ha!
Astig noh? Dati, ang alam ko lang gawin sa goma ay pang-“10-20”. Ngayon, fashionable na rin siya!
In fact, gumawa kami ni E2 ng official TSN Rainbow Loom Bracelets na ipamimigay namin to lucky TSN readers and commenters. Abangan!
Rainbow Loom will definitely teach the kids spatial skills, patience and creativity. Bukod dito, ang saya pa! So ano pang hinihintay niyo?! Bitbitin na ang mga chikiting sa mall at bumili. Enjoy! 🙂
Here’s a tutorial video on how to make Rainbow Loom bracelets 🙂
super adik talaga ako
paano gawin ang flower loom bands ??????????????????
Here’s the link: https://www.youtube.com/watch?v=2Z4_Jx4v7To 🙂
sobrang kinalolokohan ko talaga
napaka ganda talaga ng ginawa nila grabe
i want to learn more different loom bands like fishtaleeeee because i want a wonderful loom band like a flower loom bands how to do it?????????????????????????????????????? i have a question ano ang sinasakyan ng tao na hindi lumiliko??????????????//?????????????? answer; ferrys whele, elevator
Paano gawin ang flowers loom bands
paano nga vha?
Here’s the link: https://www.youtube.com/watch?v=2Z4_Jx4v7To
Madami pang tutorial videos sa youtube 🙂
ditto sa amin marami pong bumibili sa ganda ng bracelate ninyou nag comment nga po sila sa ipinag tag photo nyo po sa facebook☺
paano b gumawa ng flower and infinity
paano ba gumawa ng flower loom bracelet
i like thes picture in loomband
San po ang branch nyo??
ang ganda po talaga ng loom bnds……………………….marami n apong adik dyan ngayon…..
Grabe ang ganda san pa po ba nakakabili ng mga goma nag hahanap kce ako ei! meron po ba sa palengke?
it’s not just for kids, even Dads go gaga over their original design! 🙂
I actually do this for a cause. I sell the bracelets and funds go to charity #loomforasmileproject
Nakakaadik talaga ito…at my age now(i’m 30) ito ang ginagawa ko habang nagpapahinga galing ng work binabantayan ako ng 3 years old baby ko kasi gustong gusto niya gawa daw ako ng maraminpara sa kanya.marami rin kasi nagpapagawa sakin na nga co workers ko, naadik rin sa rainbow loom bracelet:)
sobrang kinalolokohan ito ng anak ko na si John Aldryne. araw araw sya gumagawa. pag gising pa lang nya naghahanap na sya ng tutorial sa youtube. ang dami na nya nagawa. nakagawa na rin sya ng earings para sa amin ng mama ko, regalo nya sa amin ngayong Mother’s Day.
actually yung sa video sa taas, medjo nagawa ko na yan nung bata ako, daliri lang ang gamit.. interesting! may soshal na name na — RAINBOW LOOM.. haha
Amazing! ito talaga ang latest craze ng mga bagets ngayon… dati, pang chorva chorva ko lang to eh, ngayon fashion accessories na!
kinalolokohan din ng anak ko yan..pero galing ni E2 gawa ng iba’t ibang designs a!