Usong-uso ang manggang hilaw ngayon. Summer na kasi! Naalala ko nung nasa UP pa kami ni P, kumakain kami ng manggang hilaw with bagoong na nabibili sa sidewalk.
from Filipino Food Lovers (Pinterest)
Pero simula ng nagka-Papa O ako sa buhay ko, di na ako nakakain ng mga street food. So, 10 years nay yun! Maselan kasi ang tiyan ni Papa O, kaya ingat na ingat siya. Pero hindi naman ako maselan! Gusto ko ng street food!
Kahapon, may nakita kaming manggang hilaw na binebenta sa sidewalk.
Me: B!!!! Manggang hilaw o, gusto ko yun pleaaaase!!!!!
Papa O: Huwag yan! Madumi yan!
Me: Sige na, ang tagal ko ng di nakakakain niyan.
Papa O: Bibilhan nalang kita sa 7-11.
Meron na silang manggang hilaw nan aka-pack.
May kasama na ring bagoong.
Me: Ayoko nun! Gusto ko yung nabibili sa kalsada.
Mas masarap yung madumi.
Papa O: Bibilhan kita sa 7-11 tapos…
AAPAKAN KO!
N.A.K.A.K.A.I.N.I.S.
Gusto ko ng manggang hilaw tuloy!
Pag natapakan madumi nga naman na. May point si Papa O.
nakakainis ang point!!
Hahahaha..made my day..
Hahahaha! ;-P
In fairness, andami kong tawa dun.
Happy Holy Monday morning! 🙂
hahahaha! Happy Monday! 🙂