Napapanood niyo ba yung cable show na “Sand Masters”?
Isang grupo sila ng artists na umuukit ng mga obra maestra gamit ang buhangin. Hindi yung ordinary sand castles na nakikita natin sa Boracay ha. On a massive scale ang art works ng mga ito. In fact sa sobrang galing nila, kung saan- saan na silang parte ng mundo naiimbita at nakakarating! Eto ang ilang sample…
Kamangha-mangha diba?! To think na hindi pa stable na medium ang gamit nila. E kami noong Grade 7, pinagawa rin kami ng mini sculpture sa Art Class. Binigyan kami ng tig-iisang putol ng PERLA para umukit ng sarili naming obra maestra.
Sa totoo lang, dito ako sa Art parating palpakekok. Secret lang natin ha. Pero madalas, sa iba ko pinagagawa ang art projects ko. Pwede naman kasi iuwi. But not this time. Sa pagkakataong ito, during art class lang kami pwede gumawa. Kung tama ang pagkakaalala ko, 2 sessions namin kailangan matapos ang sculpture. Dedz.
Wala namang prescribed theme. Sabi ni Sir, you can sculpt whatever you
P: Sir, kahit ano po???
Sir: Oo, kahit ano.
So nagmatyag muna ako sa mga kaklase ko kung ano ang gagawin nila. May gumawa ng Jesus in a Manger, dog, bird, flower, etc. Ang hihirap naman nun!!! Di ko kaya! Isip isip… EUREKA!!! Alam ko na!!!
So, nagsimula na akong umukit. Maingat na maingat ako. Ayoko pumalpak. Ang mahirap kasi sa sculpting, once nagkamali ka, wala nang bawian. Reremedyohan mo na lang. Kaya bawat pukpok ko sa chisel, pinag-isipan kong …
After 2 sessions ng intense concentration and artistry, buong pagmamalaki kong sinubmit ang aking art project. Religious ang tema. Simple pero may dating. Gusto niyo nang makita? Eto oh…
Ganda diba? What’s even more amazing is that it can stand on its own! Pwedeng pwede sa altar! Aminin mo, impressed ka.
Nang sinubmit ko, medyo nag-iba ang mukha ng teacher namin…
P: Bakit sir? Sabi niyo “kahit ano”. Tinanong ko kaya kayo!
Wala na lang siya nagawa.
‘Yun na ang una’t huli kong sabak sa sculpting.
(photos from google images)
Leave a Reply