Wala na atang mas bubusog pa kay Father Thunder…
Tuwing ipinagluluto mo siya ng paborito niyang adobo.
Wala na atang mas excited pa kay Atekupungsingsing…
Tuwing mamamasyal kayo’t mamimili sa Puregold at SnR.
Wala na atang mas papanatag pa ang loob kina Kuyakoy at Ate E…
Tuwing tatawagan mo sila’t magbibigay-payo tungkol sa pamilya at pagiging mabuting magulang.
Wala na atang mas lalakas pa ang tili kina E1, E2 at E3…
Tuwing nalalaman nilang si Lola Cecile ang babysitter nila for the week.
Wala na atang mas sasaya pa sa akin…
Tuwing nanonood tayo ng MMK at sabay nating nilalait ang mga artista, umiiyak sa drama at humuhula sa title.
Wala na atang mas susuwerte pa sa amin at sa marami…
Na nabahaginan mo ng oras, tulong, pag-aaruga at pagmamahal.
Pero wala na atang mas lulungkot pa…
Sa Mother’s Day na wala ka na, Mother Earth.
Hindi ko gustong magpa-iyak. Ang gusto ko lang ay hingin sa inyo na huwag na huwag na huwag niyong kakaligtaang batiin ang inyong ina, bigyan siya ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi. Magpasalamat sa kanya…kung hindi man araw-araw, kahit ngayong espesyal na araw na ito.
Sa lahat ng mga ina, kasama ka na dun, D, MALIGAYANG MALIGAYANG ARAW NIYO!!!
Sa’yo naman, Mother Earth, MWAHUGS from all of us! 🙂
Sweet mo talagang anak, P.. here’s my share 🙂 http://apearlslife.wordpress.com/2014/05/11/for-mama/