Hindi ako fan ng animated films pero isa sa paborito ko ay ang Rio. Tamang tama at showing na ang Part 2 nito. Papa N, nood tayo! Bakit ko nga ba favorite ‘to? Siguro dahil dream destination ko ang Brazil.
At speaking of Brazil…
Naaalala ko noong 2006, may ilang Brazilian friends si Mother Earth na dumating dito sa Pilipinas. Ilang matatanda at ilang ka-edad ko. Parte sila ng “exchange program” between different districts ng isang organization. Ang pamilya namin ang nag-host sa dalawa sa kanila, sina Caroline at Julia, parehong mid-20s tulad ko.
Madaming activities na naka-line-up para sa Brazilian visitors. Hatid-sundo namin sila everywhere. Syempre, yan ang Filipino hospitality. Pero kahit puno ang schedule nila, sinabihan ako ng dalawa na gusto nilang pumarty.Tamang tama at may party ang law school blockmates ko. So pinaalam ko sila kay Mother Earth at pumayag naman.
Caroline: We’ll just change clothes and we’re good to go, Camillie (yun daw kasi ang pronunciation ng pangalan ko).
P: Ok. I’ll wait for you.
Julia: Is it a fancy party?
P: No, it’s very casual.
Julia: Alright then.
Pagbaba nina Caroline at Julia, naka-jeans lang sila, blouse at jacket. So gora na kami. Sa koche…
P: My guy friends will be so happy to meet you. This is their first time to meet pretty Brazilians. (Magaganda talaga sila. Matatangkad, mapuputi na may freckles, malalaki ang hinaharap at malalaki din ang tinatalikod. Typical Brazilian.)
Caroline: But you’re the pretty one.
P: Woooow! Thank you but that’s not true. My nose is not pointy like yours and my skin is dark.
Julia: But I like your nose. You know, if you go to Brazil, all of the guys will be swooning over you. And the girls will be jealous of your skin. I’d love to have your complexion.
Makatawag nga sa PAL at mag-book na ng flight pa-Brazil. HORA MISMO!!!
Pagdating sa party, nanlaki ang mga mata ng male blockmates ko. Di naman kataka-taka…Mala-model ba naman ang bitbit kong bisita diba??!
So kwento kwento…inom…hanggang mainitan sina Caroline at Julia at tinanggal nila ang jackets na suot. Nanlaki na naman ang mga mata ng male blockmates ko. Vakwet na naman??!
INAAAAAAAY! Hindi pala nakapang-ilalim ang mga ateh ko! Hubog na hubog ang dapat humubog. At bakat na bakat ang dapat bumakat.
Ako’y nataranta! Hindi ko alam kung ano uunahin ko – takluban ang dibdib nina Caroline at Julia o tusukin ang lumuluwang mata ng blockmates ko!
In the end, nakumbinse ko sina Caroline at Julia na isuot ulit ang jacket at tiisin ang init. At ang blockmates kong lalaki, well, BAD TRIP sila sa’kin. Kevs! 😛
Moral of the story: I-specify sa foreigner na bisita na kapag sinabing “casual”, ibig sabihin magsusuot ng BRA! 😉
(photos from google)
Leave a Reply