Kilala niyo naman si Father Thunder diba? Eto ang aking poging poging ama.
Game na game magpa-picture ‘yan.
Pero meron akong favorite picture niya…
#MerryChristmas — may green, red at snow white.
In fairness kay pudra, may benefits ang ganyang hair color. For example, sa simbahan, mall o sa kahit saan pa mang mataong lugar, napakadaling mahanap si Daddy-o bilang namumukod-tangi ang kanyang silver gray hair neatly combed in place!
Pero I’m sure, kung magpakulay lang ng buhok si Daddy, mas babata ang itsura niya. Agree? Pero wala nang chance na makumbinsi pa namin siya ngayon.
Noong 1990s kasi, pinagbigyan ni Father Thunder ang call for hair makeover ng buong Familia Provinciated. Kaya nang may natirang tina sa buhok si Mother Earth, ‘yun na rin ang nilagay niya kay Father Thunder.
Father Thunder: Ano’ng kulay ba kalalabasan niyan?
Mother Earth: Edi DARK BROWN! Katulad rin nitong buhok ko.
Dali na’t lalagyan na kita.
At naganap nga…finally, after decades of convincing, babagets na ulit si pudra!!! But no…
Dahil ang inaasahan naming DARK BROWN na kulay ng buhok ni daddy ay lumabas na…ganito!
Nagmukhang TAONG KALAWANG ang tatay ko!!! Hindi kasi namin na-factor in na kapag ang base color ng buhok ay mas light, natural titingkad din ang end result.
Father Thunder: Mga P%[email protected]&^$# !!! Sinasabi ko na nga bang ayoko e!
Pinilit pilit niyo pa ‘ko! [email protected]&[email protected]%!!!
P: Ok naman, daddy ah. Medyo light lang pero brown naman ang lumabas.
Father Thunder: Ano’ng brown pinagsasasabi niyo??! Hindi ‘yan brown!
TANGERINE ‘yan!!! TANGERINE!!!
(Hindi orange ha. T-A-N-G-E-R-I-N-E. May gumagamit pa ba ng “tangerine”???)
Take note, super bait ng tatay ko at bihirang bihira siya magalit. Pero sa pagkakataong ito, hindi talaga niya napigilan. Di naman namin siya masisi…
And so, halos dalawang linggo rin naglakad si “BINDOY” (nickname niya sa barangay) na kulay ponkan ang buhok. Mula noon, wala nang naglakas-loob alukin siya ulit magpatina. Sorry, daddy! We lab yu! Hehe 😛
Great morning! This made me laugh so hard! I love this post, hahahaha!!!
Haha! Buti na-enjoy mo. Si Father Thunder ata not so much. 😛
What a way to cap the very humid weekend! Lalo akong pinawisan sa kakatawa, teh! Iba ka, P!
Mabuti natuwa kayo! Kanina ko nga lang pinaalam kay Father Thunder na binlog ko yung kwento nya. Buti natawa lang. Akala ko magagalit e. #SensitiveTopic
Hahahahaha! Mukha ako’ng tanga sa ofc, tumatawa mag-isa. Infer, tangerine talaga! Winner si Father Thunder…
kaloka!!1 hahahahahaha magkaka phobia nga na magpa hair color.
Andami kong tawa dito!!! :p
Laugh trip! Hahahaha…