• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

How I Met Your Father

Domesticated · May 18, 2014 · 3 Comments

I haven’t shared with you kung paano ako niligawan ni Papa O. Kasi naman, hindi niya ako niligawan! 

Ako na ang easy to get! 

Papa O was one of my many crushes in college. He’s actually a friend of my close friend, Hazel. Hi Hazel! By the way, nung tinanong ko si Papa O kung crush niya ako nung college, sabi niya hindi raw kasi mukha akong boy. Buwiset! 

Anyway, nung college, hi-hello lang kami ni Papa O. We didn’t talk except if I was talking to Hazel and he was beside Hazel at that time.

Umiiwas daw siya sakin nung panahon na yun kasi I was running for a position in our student council. Mangangampanya lang daw ako. Buwiset ulit! 

5 years after, when I was already in law school, my classmates and I went out for dinner. Sa Oody’s pa yun sa Greenbelt. Then, I saw him pass by. I remember telling Kitch, my classmate, pa na “crush ko yun nung college” sabay turo kay Papa O. 

After dinner, I saw Hazel outside Oody’s with some friends.  When Hazel talked to me, “sabi ko wala akong boyfriend ngayon, ireto mo ko!” Sagot ni Hazel (pointing to her friends) “sino gusto mo diyan?”

Eh andun si Papa O…siyempre sino pa ba pipiliin ko! Hazel then went back to her friends. 

A few hours later, Papa O texted me. Yun na!!!  Ako na ang nabenta!

And after a month of dating, kami na!!

Hindi man ako niligawan ni Papa O, bumawi naman siya after. I was his princess. “WAS” kasi si Addie na ang princess niya ngayon. Di bale, ako naman ang reyna ;-P 

Nung nasa law school palang ako, super tiyaga na ni Papa O. From Las Pinas susunduin nya ako sa Diliman para ihatid lang naman sa Taguig.

Ganda ko noh? 

He was my bar buddy. As in, he made sure that all my bar review materials, permit, etc. Are in order. While reviewing for the bar, dadalhan niya ko ng food with matching massage pa! Tapos nung lumipat kami ng house, ginawan niya ako ng study area sa may garage namin. At nung bumagyo  at wala kaming tubig at kuryente for 2 weeks a few months before the bar, siya ang nagdadala ng tubig para sa amin. 

On the month of the bar exams, he was my “alipin.” He made sure na okay na yung hotel room. Siya rin nag-aayos ng gamit and nag-che-checkout while I was taking the exam. And then after the very stressful exam, paglabas ko ng La Salle, andun na siya sa may waiting area, holding an umbrella with a big smile on his face. Lahat ng pagod ko, nawala. 

Ang dami ko pa kuwento about Papa O pero baka maging nobela na ‘to! Kaya yan na muna ha 🙂 

Papa O, kahit na napakakuripot at serious mo sa buhay, I want to thank you for everything… For being my knight in shining armor, a loving husband and a great daddy to Addie. 

Happy birthday, Papa O!! I love you 🙂

how-i-met-450x675

Related Posts

  • Annulment
  • CheeseCheese
  • Mahusay si Papa OMahusay si Papa O
  • The NotebookThe Notebook
  • Mr. Palusot
  • Ruffa’s Feng Shui BedroomRuffa’s Feng Shui Bedroom

Domesticated courtship, marriage, Papa O, relationship

Comments

  1. Mitch says

    May 18, 2014 at 4:22 pm

    Happy birthday, Papa O!

    Reply
  2. Chi says

    May 18, 2014 at 4:21 pm

    Ang sweet naman ni Papa O!!

    Reply
  3. Trixie says

    May 18, 2014 at 1:46 pm

    Ayon. Bumigay agad. Hahahahaha

    Reply

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS
Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hab Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hablot ka lang ng items, ngayon, iisipin mo muna kung bibilhin mo o hindi bago mo hawakan.
2. Dati, pwede ka abutin ng 3 oras sa pag-iikot, ngayon nag-aapura ka makalabas ng grocery! 
3. Dati, pwede pa gumala after shopping, ngayon, uwi, ligo, disinfect! 
Got THE NEW NORMAL errand tote bag and wallet from @bes_ph (Basic Essential Supplies). Dahil kung dati, pwede pa mag-ulit ng bag, ngayon, dapat direcho laba na! 😉
How to stay fit while doing household chores. #squ How to stay fit while doing household chores. #squatspamore 😂
Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel!!
Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura nam Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura namin 10 years ago. Hindi kasi kami kumakain ng cake noon...tinatapal lang namin sa mukha. Foundation pa more!!! 😂😂😂
Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting 😂
  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in