Our yaya went home to the province 2 weeks ago and took her vacation. Habang masaya naman ako for her at nakapag-rest siya, mukhang may new challenge na naman for me as Papa O, Auntie and I had to take turns taking care of Addie. And because I value my work a lot as well, I didn’t take a leave and instead brought Addie to work.
Ayan! May bulinggit tuloy ako sa room.
Naistorbo at naaliw ang mga tao sa office. Wala kasing tigil si Addie sa kakadaldal! Tinawag niya ang mga secretaries na teachers and ang mga officemates ko na lawyers na kuya. Lahat sila friends daw niya.
Pero pag may boss na dumadating, sumisigaw ng “it’s a boss! It’s a boss!,” at sabay tago sa ilalim ng chair.
Excited na excited na ang daming taong nakikita. Parang nakawala lang sa hawla.
Pero in fact, medyo nasa hawla naman siya. Speaking kase of hawla, I brought our little safety gate to the office. I find this item very useful in ensuring Addie’s safety and making sure she won’t wander off to wherever place. And ang tibay niya ha! We’ve had it for more than 2 years already, and look! It still keeps my energetic daughter in check.
It’s actually a gift from Cheska and Jay. Buti nalang nagbasa sila ng Baby Registry namin haha! 🙂 Last time I checked, you can get a First Years Safety Gate from Rustans’ Department Store for P1,799.75.
So for all the moms out there who only have one pair of hands or one pair of eyes (so lahat tayo yun), this is a very useful item to have at home. Puwede siyang pang-harang sa main door, sa stairs, and other medyo dangerous points of exit; or baka gusto niyo rin dalhin anak niyo sa office pero ayaw niyo siyang lumabas sa room. Galing diba, parang pinasyal mo lang ang little one mo sa zoo. 😛
Nice! How do you install that?
gusto ko nyan! 🙂
Galing! ang nice naman nito…