“Curacha”, and babaeng walang pahinga… ‘yan ang itawag niyo sa akin. Sa loob ng tatlong linggo, tatlong probinsiya rin ang inikot ko – Baler, Aurora para sa teambuilding ng opisina, Camarines Sur para sa 50th Wedding Anniversary ng Tito A at Tita M ko, at Puerto Princesa, Palawan para sa much-awaited vacation namin nina Father Thunder at Atekupungsingsing, with the special participation of Nanay Flora and Nene.
Hindi ko naman sinadyang magkasunud-sunod ang mga lakwatsa. Nagkataon lang. Kasi hindi ako marunong humindi.
BALER, AURORA TEAMBUILDING
May 29, 12 nang madaling araw
Murang arrangements lang ang kinuha namin bilang di kalakihan ang budget. Lumabas na P2,000 per head lang ang transpo at lodging package. Di na masama diba? Nag-ambag na lang kami ng additional P1,500/pax for food na nilagay namin sa common fund.
Sinundo kami ng van sa opisina sa Makati. Alas-6 ng umaga kami nakarating sa “Rolling Store” kung saan namin mi-neet ang tour guide na si Rainiel. Doon na rin kami kumain ng breakfast “turo-turo” style.
At dahil maaga pa, dinaan na rin kami sa isang tourist spot doon – The Lighthouse.
Guide: Maglalakad po tayo along the beach tapos aakyat po tayo ng bundok.
Pero mga 30 minute hike lang po.
Lahat: Ayyy…wag na kuya. Pagod din kasi kami sa biyahe e. Katamad.
Boss: Ano ba naman kayo??! Andito na tayo e.
Might as well sulitin na natin. Tara!
Sumunod naman kami. Boss yun e!
So naglakad kami papuntang paanan ng bundok. Isa-isa na kaming umakyat sa matarik at buwis-buhay na “trail” kung trail man ang tawag dun. Mid-way, huminto kami to check kung ok ang lahat at walang napahamak.
Lahat: Teka, asan si boss?
Guide: Di na po tumuloy. Matarik daw e.
Ahahahaaaay! Alaskado si Bossing pagbalik namin sa van…actually, hanggang ngayon. 😛
Pero kahit na inabandona kami (may trabaho pa kaya ako next week?), ok rin lang dahil sulit ang ganda ng view sa taas!!! Tignan niyo naman oh!
After mag-lunch buffet sa Gerry Shan Restaurant, dumirecho na kami sa Inn kung saan kami nagpahinga nang konti.
Bandang 4 p.m., IT’S SURFING TIME!!! Dito naman talaga sikat ang Baler diba? Yahoo! #Egzoiting
Ang kaso, para sa akin, IT’S REGLA TIME!!! Therefore, walang surfing na naganap on my part. Anak ng @#$! Gusto ko sanang pilitin kaso…baka dumating ang mga pating.
Pero ang officemates ko, enjoy na enjoy at in fairness, ang gagaling nila!
So nanginain na lang ako sa dalampasigan. Ayos rin lang kasi na-discover ko itong maliit na stall ni Manang. Nagtitinda siya ng MANGO CON HIELO. Medyo kakaiba diba? But not just any mango con hielo, malupit ang layer upon layer of ingredients ni Manang.
Mangga…mais…pinatungan ng asukal…pinatungan ng powder milk…pinatungan ng crushed cookies and cream…yelo…gatas…sago. AWARD!!!
May 30
Nag-trekking naman kami to Ditumabo Falls. Ang haba ng lakad pero sulit naman ang ganda!
Pero dahil red days, hanggang pampang lang ang beauty ko.
At hindi daw kumpleto ang Baler Trip kung hindi mo makikita ang PINAKAMALAKING PUNO NG BALETE! As in kasya daw ang 10 tao sa loob…yun nga lang 8 na lang ang lalabas. 😛
All in all, it was a tiring yet uber fun teambuilding. Madami pa kaming activities in between, actually, pero baka mawalan na ko ng trabaho pag isiniwalat ko lahat. Hehe. 😉
To be continued…
If I’m not mistaken, Cher (Alicia Silverstone) in Clueless referred to it as “surfing the crimson wave.” Tamang tama, nag surfing officemates mo, Atty.