• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

Curacha

Provinciated · Jun 19, 2014 · 1 Comment

“Curacha”, and babaeng walang pahinga… ‘yan ang itawag niyo sa akin. Sa loob ng tatlong linggo, tatlong probinsiya rin ang inikot ko – Baler, Aurora para sa teambuilding ng opisina, Camarines Sur para sa 50th Wedding Anniversary ng Tito A at Tita M ko, at Puerto Princesa, Palawan para sa much-awaited vacation namin nina Father Thunder at Atekupungsingsing, with the special participation of Nanay Flora  and Nene.

Hindi ko naman sinadyang magkasunud-sunod ang mga lakwatsa. Nagkataon lang. Kasi hindi ako marunong humindi.

BALER, AURORA TEAMBUILDING

May 29, 12 nang madaling araw

Murang arrangements lang ang kinuha namin bilang di kalakihan ang budget. Lumabas na P2,000 per head lang ang transpo at lodging package. Di na masama diba? Nag-ambag na lang kami ng additional P1,500/pax for food na nilagay namin sa common fund.

Sinundo kami ng van sa opisina sa Makati. Alas-6 ng umaga kami nakarating sa “Rolling Store” kung saan namin mi-neet ang tour guide na si Rainiel. Doon na rin kami kumain ng breakfast “turo-turo” style.

            At dahil maaga pa, dinaan na rin kami sa isang tourist spot doon – The Lighthouse.

Guide:           Maglalakad po tayo along the beach tapos aakyat po tayo ng bundok.

                    Pero mga 30 minute hike lang po.

Lahat:            Ayyy…wag na kuya. Pagod din kasi kami sa biyahe e. Katamad.

Boss:             Ano ba naman kayo??! Andito na tayo e.

                    Might as well sulitin na natin. Tara!

Sumunod naman kami. Boss yun e!

photo 1

So naglakad kami papuntang paanan ng bundok. Isa-isa na kaming umakyat sa matarik at buwis-buhay na “trail” kung trail man ang tawag dun. Mid-way, huminto kami to check kung ok ang lahat at walang napahamak.

Lahat:            Teka, asan si boss?

Guide:           Di na po tumuloy. Matarik daw e.

Ahahahaaaay! Alaskado si Bossing pagbalik namin sa van…actually, hanggang ngayon. 😛 

Pero kahit na inabandona kami (may trabaho pa kaya ako next week?), ok rin lang dahil sulit ang ganda ng view sa taas!!! Tignan niyo naman oh!

photo 2

photo 3

After mag-lunch buffet sa Gerry Shan Restaurant, dumirecho na kami sa Inn kung saan kami nagpahinga nang konti.

Bandang 4 p.m., IT’S SURFING TIME!!! Dito naman talaga sikat ang Baler diba? Yahoo! #Egzoiting

Ang kaso, para sa akin, IT’S REGLA TIME!!! Therefore, walang surfing na naganap on my part. Anak ng @#$! Gusto ko sanang pilitin kaso…baka dumating ang mga pating.

Pero ang officemates ko, enjoy na enjoy at in fairness, ang gagaling nila!

photo 4

photo 1

photo 2

photo 3

So nanginain na lang ako sa dalampasigan. Ayos rin lang kasi na-discover ko itong maliit na stall ni Manang. Nagtitinda siya ng MANGO CON HIELO. Medyo kakaiba diba? But not just any mango con hielo, malupit ang layer upon layer of ingredients ni Manang.

photo 4

mango-con-hielo-1

baler1

mango-con-hielo-2

Mangga…mais…pinatungan ng asukal…pinatungan ng powder milk…pinatungan ng crushed cookies and cream…yelo…gatas…sago. AWARD!!! 

May 30 

Nag-trekking naman kami to Ditumabo Falls. Ang haba ng lakad pero sulit naman ang ganda!

baler-falls-1 baler-falls-2

baler-falls-3

 Pero dahil red days, hanggang pampang lang ang beauty ko. 

baler-falls-4

baler-falls-5

At hindi daw kumpleto ang Baler Trip kung hindi mo makikita ang PINAKAMALAKING PUNO NG BALETE! As in kasya daw ang 10 tao sa loob…yun nga lang 8 na lang ang lalabas. 😛 

balete

baler3         

All in all, it was a tiring yet uber fun teambuilding. Madami pa kaming activities in between, actually, pero baka mawalan na ko ng trabaho pag isiniwalat ko lahat. Hehe.  😉

To be continued…

Related Posts

  • THERE’S SOMETHING ABOUT BALERTHERE’S SOMETHING ABOUT BALER
  • Pumalag sa PulagPumalag sa Pulag
  • Loboc River CruiseLoboc River Cruise
  • BALER OR BUST | CHARLIE DOES DOES IT!BALER OR BUST | CHARLIE DOES DOES IT!
  • El Nido GetawayEl Nido Getaway
  • Familia Domesticated invades BaguioFamilia Domesticated invades Baguio

Food and Places, Provinciated, TSN Baler, Philippines, team building, travel

Comments

  1. Jen says

    February 1, 2017 at 3:34 pm

    If I’m not mistaken, Cher (Alicia Silverstone) in Clueless referred to it as “surfing the crimson wave.” Tamang tama, nag surfing officemates mo, Atty.

    Reply

Leave a Reply to Jen Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS
Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hab Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hablot ka lang ng items, ngayon, iisipin mo muna kung bibilhin mo o hindi bago mo hawakan.
2. Dati, pwede ka abutin ng 3 oras sa pag-iikot, ngayon nag-aapura ka makalabas ng grocery! 
3. Dati, pwede pa gumala after shopping, ngayon, uwi, ligo, disinfect! 
Got THE NEW NORMAL errand tote bag and wallet from @bes_ph (Basic Essential Supplies). Dahil kung dati, pwede pa mag-ulit ng bag, ngayon, dapat direcho laba na! 😉
How to stay fit while doing household chores. #squ How to stay fit while doing household chores. #squatspamore 😂
Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel!!
Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura nam Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura namin 10 years ago. Hindi kasi kami kumakain ng cake noon...tinatapal lang namin sa mukha. Foundation pa more!!! 😂😂😂
Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting 😂
  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in