Every year, nagpapa-golf tournament si boss. This year, though, mas madami. Madami kasi siyang gustong tulungan na beneficiaries. Last tournament, ako ang designated photographer kahit hindi ako magaling magpicture.
Punta muna ako sa Hole 1 dala ang SLR ni boss.
Me: Sir, can I take your photo?
Player: May negative ba yang camera mo?
Witty ni sir.
Lipat ako sa Hole 2.
Me: Sir, can I take your photo?
Player: May negative pa ba yang camera mo? Baka maubusan.
Sa 18 holes ng golf course, may isa sa bawat hole na nagtatanong “may negative pa ba yang camera mo?”
Bakeeeeet?!
Bakit ganun ang sense of humor nila?! Sabi ni Papa O, thunders na nga talaga ang mga players kasi puwede namang “film”! Oo nga naman.
Pero hindi ko na ijujudge ang mga thundercats kasi kinakarma ako. Like nung isang araw, may tumawag sa akin from Shangri-La. Nag-offer ng accommodation sa Boracay para sa outing ng office. Nireport ko sa boss ko.
Me: Boss, may tumawag sa akin from Edsa Shang Boracay.
Boss: May Edsa Shang na sa Boracay?
Boom pahiya!
Tapos isang Sunday, niyaya ko parents ko mag-lunch.
Me: Daddy, kain tayo sa San Lorenzo’s Way sa Sunday.
Daddy: Iba pa ba yun sa Lorenzo’s Way?
Boom pahiya ulit!
Kaya bago magtuluy tuloy, sige na nga, sasakyan ko na lang ang mga joke ng thunders.
Di bale na maging corny..kesa ma-tanga. 😛
Bwahahaha! San Lorenzo’s Way! Edsa Shang Boracay – ang traffice siguro dun 😛