May 30 nang 12 midnight na kami nakabalik sa opisina galing Baler, Aurora. Bumiyahe pa ako pa-BaCav. Pagdating sa bahay, hindi na ako nakatulog dahil nag-empake pa ako para sa family excursion namin pa-CamSur naman na aalis nang…hulaan niyo…3 am! Tumbling, Split!
Umarkila kami ng bus dahil isang batalyon ang pamilya ko. Trenta kaming dumayo sa Bicol Region for Tito A and Tita M’s 50th Wedding Anniversary the following day. Ang saya diba?
At dahil Pagoda Cold Wave Lotion ang beauty ko, sa loob loob ko, di bale, mahigit 8 oras naman ang biyahe. Matutulog na lang ako sa bus…well, yun ang akala ko! Dahil hulaan niyo kung sino ang busmate ko – si E3!!!
Paano ako matutulog kung ang pinaka-matabil na bata sa lupang ibabaw ang katabi ko??! Pinag-usapan namin ang 6th birthday niya IN FULL DETAIL! Pinilit ako gumawa ng guestlist at program, kasama ang games na gusto niya. Tsaka ko na ikukuwento ang party sa ibang post. 🙂
Di lang yun, pati mga life-long dreams niya ikinuwento sa aming magpipinsan…
Cousin: What do you want to be when you grow up?
E3: Uhmmm…I want to work at Jollibee!
P: Huwow! Ang tayog ng pangarap mo ah!
Cousin: Don’t you want to be a doctor or an engineer or a lawyer like Tita P?
E3: No, I want to work at Jollibee.
Cousin: What will you do there?
E3: At the drive-thru.
DEDZ! Di bale, susubukan kong kumbinsihin na “maging Jollibee manager” man lang ang gawin niyang pangarap.
Pagdating sa CamSur (btw, dyan ko ginaya ang “BaCav”), kinita namin ang mga balik-bayan cousins from US of A at Canada na anak nina Tito M at Tita A. Pero ang napansin namin, parang bihis na bihis ata sila. Wala namang okasyon dahil kinabukasan pa ang wedding anniversary. Biglang sinalubong kami ng pinsan kong pari…
Kuya A: Hello po. Today, we will hear mass…and then Peewee and Martin will solemnize their marriage.
P Hahahaha! (Hindi nag-register ang sinabi. Kasal na kaya sina Ate Peewee at Kuya Martin sa States. Bakit pa magpapakasal ulit?)
Kuya A: Tito (kay Father Thunder), baka pwede po kayo tumayong NINONG nila.
P: Huh?! Seryoso ka, kuya???! Naka-tsinelas lang kaming lahat!!!
And so, naganap ang IMPROMPTU WEDDING. Sa sobrang impromptu, noong araw ding yun bininyagan, kinumpilan at kinasal si Kuya Martin sa Catholic Church. AWARD!
So eto itsura namin sa kasal…D.U.G.Y.O.T.
After the wedding at kainan portion, tumakbo na kami sa CWC to check in at para i-burn ang nilamon namin sa party. Papahuli ba naman kami sa wakeboarding?!?! Nauna nag-lessons sina E1 at E2. Sumunod lang kaming mga thundercats.
E1 and E2: Tita P! We got the half-day lessons. What did you get?
P: 1 hour lang kami.
E1 and E2: Huh? You should’ve gotten the half-day pass. It’s hard kaya!
P: ‘Wag mo kami pakialaman. FAST LEARNERS KAMI!
Hagalpakan lahat ng students! Wala namang hindi nadadaan sa confidence e. In fairness, natuto naman ako in 1 hour. Sakto rin lang bilang madami-dami na rin akong nalunok na tubig by then.
Kinabukasan was Tito A and Tita M’s BIG DAY! Kumpleto ang 6 na anak nila with their significant others hanggang sa ka-apu-apuhan.
Ang ganda ng church. Ang ganda ng reception. Ang ganda ng wedding. Pero ang pinaka-maganda, yung host! #charaught
Papa N, mas maaga tayo magsimula, mas maaga din tayo aabot ng 50 years. Just saying…:P
Kinabukasan, dinala kami ng Bicolano cousins namin sa CARAMOAN! Medyo mahaba ang biyahe – bus, bangka, van, bangka ulit. Hanggang makarating kami sa HUNONGAN COVE. Dito daw chine-check in ang mga top executives ng Survivor episodes na shinu-shoot sa area. That time, ongoing ang Survivor Netherlands. Ang ganda to the highest performance level! Very soshal. Feeling ko tuloy ako si S!
Family bonding, kain, swimming, kain, beach volleyball, kain ulit. Chalap!
So we were chillin’ by the beach…(feeling S na talaga!!!) nang biglang lumapit ang isang bangkero at tinanong kami kung gusto namin mag-CLIFF DIVING. Gooooora!
Lahat kami sumubok, kahit sina E1 at E2. First time naming lahat. Sa malayo, tila mababa lang ang tatalunin. Pero pag nandun ka na pala sa taas, parang ayaw mo na tumuloy!
So sumubok ako. Success! Medyo masakit lang sa pwet dahil napa-upo ako slightly. At dahil mahal ko ang blog, inisip kong mag-ROUND 2 para may Instagram Video. Kaya binigay ko kay cousin N ang aking fone para i-shoot.
Nang nasa itaas ako, iniisip ko, “feet first…feet first…para hindi masakit.” SABAY TALON!
Taenang “feet first” ‘yan. Kusang tumiklop ang katawan ko! Sobrang sakit!!! Kaya ang finished product…
Ok lang naman kahit 2 days akong di makalakad. Ok lang din kahit mukha akong biktima ng hazing for the next 2 weeks. Ok lang lahat. For the blog naman e. Pero ang pinaka-masakit…’YUNG HINDI NA-VIDEO ANG TALON KO!!!
Anak ng %$@!!!
Katawa ka! Mabuhay ka teh! Bongga ka sa kasosyalan!!! Hehe
hagalpak ako sa post na to! winner ka teh! picture pala instead na video. lol!
Sayang nga ang moment! Di pa naman na ko uulit…evah! 😀