Meron ba kayong mga friends na medyo makulit and medyo spoiled? Ako medyo madami. Yun tipong pag maka-demand like a boss lang. Eh ako bilang isa’t kalahating passive aggressive, usually hindi ko na lang pinapansin at hinayayaan ko mag himutok sila. Siguro dahil panganay ako, unica hija at likas na bitch.
But there are times naman na hindi ko talaga mahindian, at alam kong naglalambing lang… At dahil pusong mamon naman talaga ako pag dating sa friends, lalo na pag alam kong namomoroblema talaga or gusto ka lang naman talaga makasama, I just give in.
And that’s just what happened one rainy Saturday. Tawag sakin si W ng umaga pa lang, in preparation for our business meeting that afternoon, tapos sabi nya: “Nagpapasundo nga si R mamayang gabi eh. Pagkatapos ng meeting.”
S: Ah talaga. Saan ba sya today?
W: Team building daw ng office nya. Eh medyo nababagot na.
S: Saan?
W: Sa Canyon Cove… Nasugbu, Batangas
S: Anak ng +!€@£@
So we all saw each other that afternoon for the meeting. Then it ended. Then…
W: Samahan mo ako S.
S: …
W: (Pa-cute smile)
AP: Samahan saan?
W: Susunduin si R…sa Nasugbu.
S: Game na.
AP: Sama na din ako!
And therefore, instant road trip. Biglang nagka itinerary kami, thanks to AP. Ako navigator, si W ang driver/jester. Nag-stop over pa kami sa Tagaytay at pinakain kami ni AP sa LZM Restaurant, na sobrang winner na Daing na Bangus. Kung hindi nyo pa alam ang LZM, next time na mag Tagaytay kayo, skip the bulalo and go for the Daing.
Syempre si R hindi na nanahimik the whole time. Text ng text kung nasan na kami, at, of course nag text: “Bilan nyo ako ng pizza. Gusto ko yun masarap.” Charming isn’t she? And therefore, nakatanggap sya ng left over na bangus at nilagang sweet corn na nabili namin sa daan.
Ganyan lang talaga I guess, pag masyado na kayo close at turing magkakapatid na. Pagalingan lang mambasag ng trip.
Leave a Reply