2 years ago, nag-plano ako bumili ng condo. Mahirap at magastos din kasi ang biyahe mula BaCav hanggang Makati. Naisip ko tumingin sa listahan ng forfeited properties ng isang bangko. May isang murang unit sa Burgos Street. At dahil aanga-anga ako sa Makati, nagpasama ako sa officemates ko.
Pagdating sa Burgos Street, napansin kong madaming foreigners. At kasama ng foreigners ay mga babaeng iisa ang itsura – kayumanggi, balingkinitan at kulay mais ang buhok. RED LIGHT DISTRICT pala amp! Ayoko ata tumira sa lugar kung saan eto ang directions na ibibigay ko sa bisita…
Pagliko mo sa kanto, may makikita kang malaking pink na karatula na “PUSSYCAT.”
Sa likod nun, dun yung condo ko.
Kahilera ng HIGH HEELS BAR at MOONLIGHT.
Halos katapat lang ng STARDUST.
Sagwa diba???
E noong isang gabi, napadaan kami sa area ni Papa N papuntang Rockwell.
P: Alam mo bang muntik na kong bumili ng condo dito?
Di ko alam na red light district. Katakot pala. Kung dito kaya ako nakatira,
pupuntahan at susunduin mo pa rin ako?
Papa N: Siyempre naman, pupuntahan pa rin kita. Tutal…mukha naman akong foreigner e.
P: Ah ganun??! So ako mukhang EXOTIC???!
Tandaan mo, Papa N, di ka pa nagpo-propose. Pwede pa ko tumanggi.
#JOKEJOKEJOKELANG 😛
Ayos ang mga chika babes ah. Yung left most, ayos din ang stretch marks, ang lakas din naman ng loob mag-hipster na shorts.