Diba naikwento ko naman sa inyo kung gaano ka-bibo/supportive si Mother Earth pagdating sa school projects ko? Kulang na lang ay mag-protesta ang classmates ko sa ganda ng sinusubmit ko sa teacher. E halatang halata namang hindi ako ang gumawa. Very resourceful kasi si mudra. Madaming kilala. Ang motto naming mag-ina, “Kung kaya nilang gawin nang maganda, edi sila na nga lang ang gumawa!”
Pero may mga pagkakataon na si Mother Earth mismo ang kumakarir sa projects ko. Tulad na lang noong 4th Year Highschool ako.
Teacher: I need you to change the lyrics of a song, any song, to include what you have learned in Physics. You will then present your song number in class and I will grade you according to your performance.
Individual ang presentation pero grupo-grupo kaming nag-isip ng “theme”. In short, kung may isang magmumukhang tanga, at least may karamay ka.
May grupo sa klase naming nag-“Spice Girls”. Kanya-kanya silang kanta ng girl band songs pero in character nina Posh, Scary, Baby, Ginger at Sporty. Astig!
Kami naman, (‘wag niyo ko i-judge) ”Disney” ang napili naming theme. May gumanap ng “Belle”, “Jasmine” at “Mulan”. At ako…
Ako…
Ako…
Ako…si Ariel.
Sige na, tumawa ka na muna. At itutuloy ko lang ang kwento ko.
Si mudra ang mismong gumawa ng buntot ko. Sinukat niya sa akin ang isang sako ng bigas. Tinahi para humugis buntot ng isda. At pagkatapos, isa-isa niyang kinabit ang blue and silver circle metallic paper cut-outs sa sako.
P: Mother, tapos an ang buntot ko? Bukas na presentation namin e!
Mother Earth: Tapos na. ‘Wag mo muna ako kausapin.
P: Huh? Bakit? WOW, ANG GANDA!!!
Mother Earth: Dapat lang! Pukanenang ‘yan. Sumakit ang ulo ko at hilong-hilo ako.
P: Bakit naman?
Mother Earth: E RUGBY pinandikit ko e!
#UlirangInaAwardee
Kinabitan ko ng palikpik na gawa sa cartolina ang dulo. Nagsuot ako ng cream-colored shirt at pinatong ko dun ang luma kong bra na dinisenyuhan ko ng hugis-kabibe. And voila, ako na si Banak! Este si Dyesebel! Este si Ariel pala.
At nang oras na ng presentation, matapos sina “Belle”, “Jasmine” at “Mulan”, pinapatay ko ang ilaw. Suot ang costume, sumakay ako sa projector-on-wheels…at nagpatulak papuntang harapan ng classroom habang kumakanta ng…
(To the tune of “Part of Your World”)
Listen to that.
Isn’t it neat?
Wouldn’t you think that sound waves are complete?
Wavelengths are measured by crests
Sure, I know everything!
Look at my lab
Treasures untold
Plenty materials to play with and mold
Looking around here you think
Sure, she’s got everything!
I’ve got beakers and burners a-plenty
I’ve got magnets and lasers galore
You know what to do?
Let’s experiment!
About force
And pressure
And motion…
I wanna be a great physicist
Just like Newton, Galileo, Einstein
Making laws and theories about – what do you call ’em?
Oh – gravity!
Force and motion, heat induction
Light reflection and light refraction!
Sure as can be
Physics indeed’s part of our world!!!
P$%@#% lang diba??? Sige, go ahead, judge niyo na ‘ko. Ginusto ko naman ‘to e. Pero may kasalanan din ang nanay ko — di man lang ako inawat.
Labyu Mommy! 😛
Relate ako sa “pukanena”!!! Heard it first from my Mom-in-Law from Bacoor !!!! At kering-keri ko rin ang song mo ha, may tono habang binabasa ko, solfejo ang peg!
pwedeng pwede iyon para sa soshal network youtube.
wahahahahaha! panalo!
Impernes, ang galing ah! Bilib ako. Pero mas bibilib kami kung may pictures.
Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha! Tawang-tawa ako sa ‘nahilo sa rugby moment!’ Habang tina-type ko to, Ms.P, humahagikgik pa rin ako…
Nararapat nga sa #uliranginaawardee!
Bakit walang picture??? 🙂 Puwede bang may recreated scenes?
Hahaha! Ang funny pero super cool ni Mother Earth! 🙂
Ms. P….baka naman me naitatabi kang mga pictures ng mga pinag gagawa syo ni Mother Earth ilagay mo din dito sa blog nyo…=)