by Guest Blogger, T.
Friday naka-schedule ang aking laparoscopic cholecystectomy. May bato kasi ako sa apdo and we decided to do a lap chole instead of an open surgery para fancy kasi hindi ko ma-spell. Haha. Hindi, kasi mas mabilis daw ang recovery, at bihira na ata ang nagpapabuka ng bituka ngayon. Dahil I barely have 2 weeks before I fly back to Macau, siyempre, the quicker, the better. Nagising ako after the operation and I felt really weak and sore. Hindi ako makakilos. At hirap din makahinga. The next day, hindi pa rin ako makatayo. Pero nakita ko yung running bill. Napatayo ako bigla. Nakakalakad na ko! Kaya ko na umuwi! Nag-text ako kay Doc, pwede na po ako i-discharge bukas. At heto nga, nakauwi na ko. It was a medical miracle!
Hindi pala pwede operahan pag may pustiso ka. Tama ba? Bakit kaya? Anyway, Nurse #1 was firing her routine questions the day I was admitted:
May dentures po?
May bakal sa katawan?
May allergies?
May kyeme po ba kayo inside your body that will prevent us from operating on you?
Interestingly, hindi na niya tinanong, “Sir, may budget ba kayo for this?” Tapos tinanong niya ko, “Sir, may underwear?” Gusto ko isagot, sometimes. Pero sobra kong kabado hindi ako witty that day.
“Patanggal na lang po ng underwear sa araw ng operation.” Gusto ko mag-argue. Gusto ko sabihin na maganda talaga yung binaon kong underwear for this occasion. Black boxer briefs para sexy. Pero after 4 nurses who kept saying the same thing, naisip ko ganun siguro talaga kasi baka at some point, sagabal?
Nakakatawa lang siguro na biglang may medical emergency sa OR tapos ang bagal ng response nila kasi magtatanggal pa sila ng underwear nung pasyente. Haha. Tsaka they say it matter-of-factly e and not in a sexy, gravelly voice na may kasamang kindat, na parang ang message nila, “Madami na kaming nakitang ganyan. Wag kang umarte.” Fine, marami na nga siguro silang nakita. Pero yung sa akin, kokonti pa lang ang nakakakita. Not that sobrang remarkable naman siya or napaka-protective ko about it. It’s just that in most situations, I ask myself before I make a move, what would Sarah G do (WWSGD) and I’m sure hindi siya agad bibigay. Haha. Makikita nila yung akin ng walang ka-effort-effort! Alam ko may dinner, movie, at coffee dapat muna e.
Akala ko dahil na-heartbroken na ko dati, kayang-kaya ko na kahit anong klase ng sakit. But no, jusko, mas masakit maopera! Kaya umibig na lang tayo nang umibig at masaktan nang masaktan kesa naman maoperahan nang maoperahan. Tsaka kapag heartbroken, alam ko hindi naman nagko-collapse ang lungs. I love how ate nurse casually mentioned that in the recovery room. “Sir, deep breathing exercises po tayo ha. Nag-collapse po ang lungs niyo dahil sa anesthesia.” Wow, thanks. Hindi kaya tinuturo sa grad school how to un-collapse the lungs! Sa bagay, hindi rin naman tinuturo sa grad school how to mend a broken heart.
Nakalimutan ko na the last time it hurt like this. Doctor friends, former students who will soon be medical professionals, paano ba mababawasan ang pain? The last time kasi na nakaramdam ako ng ganitong kirot, alam ko, iniyak ko lang lahat habang nakikinig ng senti songs, tapos nakatulog na ko sa pagod at sakit ng mata. Paggising ko, medyo ok na ko kahit paano. Ganun din ba sa kalagayan ko ngayon? What songs will help me heal faster and move on? Makakatulong ba ang panunuod ng One More Chance?
Ang ganda ng operating room ng NKTI! (Dahil social climber ako, I like to call it NaKaTI Med. I can get away with it sa phone pag mahina at mabilis kong sinasabi. Haha).
And I love how surgeons have this rockstar vibe! Ang elusive! Production number ang ganap habang inaantay ang kanilang pagdating. You never see them in action. Pag natapos na ang lahat, bibisita sila sa room na parang wala lang, just another day in the office, casually striking a conversation kahit na binago na nila ang buhay mo forever. Hello, kinuha kaya ni Doc yung gallbladder ko nang hindi nagpapaalam! Naalala ko tuloy yung unang nanakit sa ‘kin. Ganung-ganun din! Biglang dumating sa buhay ko nang di ko namamalayan. Aalis nang hindi nagpapaalam. Kukunin ang bahagi ng buhay ko na hindi na niya kailanman maibabalik! At pagkatapos ng lahat, makikipag-chat sa FB na parang walang nangyari!?! Haha. But I love Doc! At least may courtesy siya na kunin ang consent ko bago niya ko saktan.
So here I am, starting my 30th year, gallbladder-free. I have absolutely no idea how that will change my life in the long run. Basta ang medyo ikinakalungkot ko at the moment, ang hirap tumawa at magsalita. Which is a bummer. Kasi this week, yun lang talaga ang gusto kong gawin. Ang tumawa nang tumawa habang kumakain nang kumakain.
Kahit sinasabi ko sa sarili ko na minor lang ang surgery para ma-downplay ang aking condition, may kasabihan nga tayo sa mundo ng showbiz na there is no such thing as a minor operation, only small stones. Something like that.
But seriously, I am ok and alive and hopefully healthier. May makirot lang talaga. Gusto ko mag-thank you sa lahat ng mga nagpaabot ng well-wishes, nangamusta, bumisita, at nag-attempt bumisita. Pasensya na hindi ako maka-reply ng maayos. May makirot lang talaga. Special thanks kay M, who alerted me about my possible condition, brought the idea of having the operation done in NaKaTI med, and introduced me to Dr. R. Syempre kina Mum and Pop (hindi lang ako social climber, British din), na tiniis matulog sa space allotted for the watcher. Alam ko uncomfortable at wala namang issue na magtabi tayo sa kama, kaya lang, makirot lang talaga. I love you both. Yung meds ko paki-akyat na please. Joke lang.
I hope to see some of you soon before I leave so pupwersahin ko talaga ang sarili kong gumaling. In the meantime, dahil may makirot lang talaga, susundin ko muna ang advice ni Maja… dahan-dahan lang.
(T is a starlet trapped in a teacher’s body.)
Bravo!! I salute you.. Di ka lang matapang.. komikera ka pa!! Binuo mo ang araw ko ngayon!! Til next time.. (di sa operasyon kundi sa blogs..) God bless
Grabe napasaya mo ako today ng sobra sobra! WWSGD FTW! LOL.
And I love yung aral na iniwan mo dito T, “Kaya umibig na lang tayo nang umibig at masaktan nang masaktan kesa naman maoperahan nang maoperahan.” Aylavet!
WWSGD, winner! If this mentality spreads, baka maubusan na ng mga malalandi! Haha! Also, kung sa operation may ‘anesthesia,’ ano naman ang pampamanhid for heartbreaks? Anyway, this has been a super funny read enough to brighten up the rainy and overcast day. Wishing you a quick recovery! 🙂
Hello T, natawa at natuwa naman ako sa sinulat mo. Mukha ka namang on the road to speedy recovery. So tama yan. Patients with a positive outlook have better prognosis.
So sasagutin ko sa iyo ang mga ibang tanong mo:
1. Bawal talaga may dentures pag operahan! Baka malunok ang dentures, pumasok sa baga, at maging complicated ang kaso. Kaya no dentures!
2. No underwear in most operations especially that dealing with the gastrointestinal system. If I explain further, baka mahimatay ka. hehehe. So yun na lang ang sasabihin ko. And I’ve experienced emergency ORs where we have to cut the clothes/underwear people are wearing para mabilis. Surgical scissors naman ginagamit. Hwag kang mag-alala, sa dami na ng nakita ko, “dedma” na lang. But I understand the hesitation. I love the WWSGD! Hahaha, korek!
3. Kasama talaga sa postoperative instructions ang deep breathing exercises. Ang harsh nga lang ng dating na nagcollapse ang lungs mo. Hehe. Hinde naman talaga collapsed. Pero its the simplest term that can probably explain it. Anesthesia causes breathing to slow down, resulting in shallow breaths. When you wake up, you momentarily forget that you are not dependent on the anesthesia machine anymore, so the doctors/nurses have to remind you to take deep breaths.
4. Songs to help you heal? Suggest ko yung mga kanta ni Gary V. haha! You can also watch those kids sa the voice philippines! Super inaabangan ko ang show na yun. Nakaka inspire!
So get well soon T. Take your medications and go to your follow ups. 🙂 Ingat!