May report akong hinahanda para sa Rotary. Presidente kasi ako this year. Natapos ko naman ang report. Na-print at na-collate ko na. 45 pages all in all. Kaso, isa na lang ang kulang…kaya pinakiusapan ko sina Nene at Roel para asikasuhin ang pagpapa-ring bind ng report.
11 am
Father Thunder: P, kamusta yung National Education?
Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Father Thunder kaya hindi ako sumagot.
3 pm
Father Thunder: P, ano balita sa National Education?
Hindi ulit ako kumibo. Ano ba pinagsasasabi ng tatay kong “National Education”???
5 pm
Father Thunder: Hindi pa ba nakakabalik sina Nene at Roel?
P: Hindi pa nga, Dad e. Pero sa MOA na raw sila ngayon.
Nakahanap na sila ng magri-ringbind.
Father Thunder: Aba, edi maigi. Saan sila nakahanap?
Sa National Education?
P: Bwahahahahaha!!! NATIONAL BOOKSTORE ‘yun, Daddy!!!
Kaya pala kaninang umaga ka pa “National Education”
nang “National Education”!
Pero ayaw patalo ng tatay ko…
Father Thunder: Noong araw, “National Education” ang tawag dun noh.
P: Bwahahahaha! Igu-google ko ‘yan, Father ha….
Imbento ka, Daddy!
Wala namang ganun sa history ng National Bookstore!
Father Thunder: Ah basta. National Education tawag dun dati.
Edi ikaw na, Daddy-o, ang official historian ng National Education…este, National Bookstore! 😛











dami kong tawa sa National Education ni Father Thunder… infairness nagdate sila Nene at Roel sa tagal… eh Ate P meron naman nagriring-bind sa may Talaba (sa tabi ng Barangay Hall, hindi sa may Talaba Elem School. Sa hilera ng Minute Burger). at meron din sa NBS-SM Bacoor