Tuwing umuuwi ako sa gabi, parating nakaabang sa kanto si Mario. Nangangalakal kasi siya ng mga plastik sa basura. Pag nakita niyang lumiko na ang koche, tatakbo na yun papuntang gate at pagbubuksan ako. Serbisyo primera klase! Maliit na bagay lang yun kung tutuusin pero natutuwa ako kasi may pa-consuelo, kung baga.
Madalas tahimik at mahiyain si Mario. Pahirapan ngang kunan ng litrato ang lolo mo e. Naririnig ko lang ang boses niya kapag may konting “request” siya, i.e. pamasahe o pambili ng pagkain.
Noong Sabado nang umaga, nagulat ako na nakaupo ulit sa kanto si Mario. E wala namang basura pangkalakal nang mga oras na ‘yun.
Mario: P!
P: Oh, bakit? Ano’ng atin? (At nakangiti ko siyang nilapitan)
Mario: Hala! Bakit ganyan itsura mo?
P: Bakit?
Mario: Mukha kang puyat.
P: HUWOW!!! Hiyang hiya naman ako sa’yo! Ang fresh fresh mo kasi ‘noh?!
Mario: Hehe! Hingi sana ako ng pamasahe. 🙂
At nginitian niya ako nang pagkalaki-laki…to the point na kita ko na yung tatlong natitirang ngipin niya. Nang-asar na, nanghingi pa! Hay naku, Mario, parang mas feel kitang tahimik at mahiyain. Kung di ka lang namin labs, makukutusan kita e! 😛
Leave a Reply