Noong isang araw, habang nag-grocery, nakakita ulit ako ng ICED GEMS.
Nagdala ito ng ngiti sa aking mga labi. Instantaneous ang #ThrowBackThursday ko! Maliban na lang kung anak ka ng nuknukan ng yaman at parating hors d’oeuvres at canapés (ansaveh?!) ang baon mo sa school, malamang nakatikim ka na rin ng Iced Gems during recess noong bata ka.
Pero maliban diyan, ano pa ba ang naging staple na laman ng lunchbox mo noon? Ako eto…
MARIE – classic ‘yan! Peyborit kong kumagat at hayaan lang lumambot at malusaw ang biskwit sa dila ko. Tsaka ko siya lulunukin. Kadiri ba?
HI-RO – wala kasi kaming pambili ng Oreo noon e. Mahal dahil PX Goods. E ang Hi-ro, mabibili lang sa Tindahan nina Kambal sa kanto. 😉
KABABAYAN at CAMACHILE – Ay naku, walang panama ang Kenny Rogers Muffins sa Kababayan. Manamis-namis at parang may after-taste na di mo mahulaan kung ano. Hanggang ngayon, eto pa rin ang paborito ko bilhin sa panaderya. Kaso ang Camachile ata na-phase out na.
BARBECUE – Nang lumaki-laki na kami ni Kuyakoy, halos araw-araw bbq naman ang baon namin for lunch…mula elementary hanggang gumraduate sa highschool ha! Madaling bilhin, madaling initin, madaling kainin. Sa mga taga-BaCav, I’m sure alam niyo yung bilihan malapit sa kanto ng Brgy. Digman. 😉
Bakit nga ba ganun? Kahit very limited ang variety ng kinakain mo araw-araw, sarap na sarap ka pa rin noon? At kung may matikman ka mang bago, dun ka pa rin mauuwi sa nakasanayan mo na. Kaya never ako nainggit sa gourmet sandwiches at beef stroganoff na baon ng classmates ko noon. Beef stroganoff…pweh! Wala ‘yang usok at alikabok galing sa Brgy. Digman. Ayoko nyan.
Ikaw, anu-ano mga naging baon mo noon? 🙂
alive and kickin’ pa din and tindahan ni kambal sa barangay kaingen. hehehehehe
Hahhahaha! Beef stroganoff! Fyi, kinuwento ko ang beef stroganoff experience natin kay A. (That was the first time Ive heard of beef stroganoff. Di kase uso sa pamamahay natin) Now he understands why I keep cooking beef stroganoff every chance I get. Gusto mo lutuan kita ng beef stroganoff, P? Dessert naman natin Hiro, Marie and Iced Gems 🙂