Dating kawal ang tatay ko. Naalala ko pa noong bata ako, palagi siyang naka-destino sa probinsya o kaya sa ibang bansa. Minsan lang kami maging kumpleto ng pamilya tuwing Noche Buena. I remember my Mom telling me at a very young age that my dad has responsibilities as a soldier. Kaya kahit na minsan lang namin makasama si Daddy, hindi ako nagtanim ng sama ng loob. Naiisip ko pa nga na kawawa naman si Daddy. Walang magluluto ng favorite nyang lechon paksiw at macaroni salad.
Kaya dama ko ang lungkot ng De Velez, Delfin at Valtiendas Families.
Zandro De Velez is a chef working in a cruise ship. It’s been six years since he spent Christmas with his wife, Jennifer, and their two sons. Si bunso, hindi na nga maalala yung kaisa-isang Noche Buena na kumpleto silang pamilya.
Malungkot naman si Mr. and Mrs. Delfin dahil ang panganay nilang si Leslie Mae, na isang on-call nurse, na di nila nakakasama tuwing Noche Buena, ay nakakuha ng trabaho sa ibang bansa. Paniguradong hindi na naman nila makakasama si Leslie Mae ngayong Pasko.
Ganun din ang lungkot na nararamdaman ni Julio at Emma Valtiendas. Julio worked in Bahrain for a long time and came back to the Philippines only in 2010. The family had a nice Noche Buena that year but that it was also the last. Julio since then worked for a BPO company and is on duty every Christmas Eve.
Bakit nga ba tayo nalulungkot kung hindi buo ang pamilya sa Noche Buena? It’s because Christmas is a season of togetherness, at sa Noche Buena nagsasama ang buong pamilya para kumain at magkuwentuhan. Pero kahit na hindi buo ang mag-anak sa ika-24 ng Disyembre, ‘di ibig sabihin ay hindi tayo puwede mag-Noche Buena. Panoorin ang sorpresang Advanced Noche Buena ng Lady’s Choice sa pamilya De Velez, Delfin at Valtiendas.
Mas masarap talaga ‘pag magkakasama tuwing Noche Buena mapa-bongga man o simple ang handa. Kami, basta may macaroni salad, masaya na. Ever since, Lady’s Choice na ang gamit ni mommy for her macaroni salad, at ngayong kami na ni Ate ang gumagawa ng macaroni salad tuwing Noche Buena, Lady’s Choice pa rin ang gamit namin! Totoo yan! 🙂
Ngayon ko lang din na-realize na marami na ring bonding moments ang naganap dahil sa paggawa ng macaroni salad. All these years, Lady’s Choice pa rin kami. All these years, Lady’s Choice is still here to make every family’s festivity more special. Salamat Lady’s Choice at Maligayang Pasko sa inyong lahat. 🙂
the best talaga ang Lady’s Choice.
Macaroni salad using Lady’s choice… what a classic for Noche Buena! Merry Christmas D!