Ngayong Pasko at parating na Bagong Taon, nais naming ipahatid sa lahat ng mga sumuporta, nakipagtawanan, nakigulo at hindi kami isinumpa ang aming taos pusong pasasalamat at aming taimtim na hangad na kayong lahat ay maligaya nitong pagtatapos ng taon.
Sa dami ng mga nangyari sa amin nitong taon, as sa dami din ng pinaggagawa namin, hindi pa rin kami makapaniwala na tuloy tuloy pa rin ang biyayang natatanggap namin.
Mga kaibigang matagal ng kasama at bagong kaibigan na nakilala…
mga ka-“soshalan” naming walang tigil…
mga mensahe mula sa mga tumatangkilik sa TSN… mga samu’t saring mga kalokohan…
lahat yan at higit pa ang mga pinagmumulan ng aming kaligayahan.
Salamat salamat salamat. Huwag kayong magsasawa… habang kami ay walang kasawaan sa paghamak ng lahat para mapasaya kayo.
Maligayang Pasko at
Isang Malupit at “Soshal” na Bagong Taon!!!
Maligayang Pasko rin sa inyong tatlo at sa lahat ng bumubio ng TSN!!