May mga bagay na masarap gunitain tulad ng EDSA Revolution kahapon at oras kasama ang pamilya.
May mga bagay din na gustong gusto mong kalimutan at burahin sa alaala tulad ng paglisan ng minamahal o masamang panaginip.
At meron ding mga alaala na bigla na lang bumubulaga sa harapan mo nang alas-7 ng umaga habang humihigop ka ng kape…na muntik mo nang masabog ala-Vic Sotto sa harap ng tatay mong nagbabasa ng dyaryo. ‘Yan ang nangyari sa akin kahapon nang ma-tag ako sa video na ito.
2003. F4 Concert sa Ultra. Mahal ang tiket kaya sinulit ko. Masisisi niyo ba ko?
Kung may pinagsisisihan man ako, yun ay ang kinulang pa ang buwelo ng palakpak ko from the sides. Chauce!
Lord, wala na po sanang makahanap nung part na may bitbit pa akong malaking poster ni Ken Zhu habang sumisigaw ng “Wo Ai Ni!!!” #ParangAwaNiyoNa
grbe mga 5x ko syang pinanuod at tawang tawa ako!!! hahahaha nene days
Hahaha! Winner ka talaga Ms.P!
HAHHAHAHAHAHAH, kahit ilang beses ko ng napanood, tawa pa rin ako ng tawa! Winner ka talaga Ms. Provinciated!
P! Wag ka na ulit manunuod ng mga ganyang concert. Di mo nasusulit. Hindi ka nag-eenjoy. Hahaha! ๐ Dami kong tawa napa-comment tuloy ako. ๐
Hehe.. natawa ako dun sa may hawak ng korean flag.. Di naman taga Korea un f4..
Ms. P, Panalo!!! Baka gusto nyo hanapin na rin yung sinasabi ninyo na video na may dala kayong banner at post na rin dito para tuloy tuloy na ang happiness. ๐
Ms. P, pag nahanap mo na yung video na may dala kang banner pwede post mo narin. ๐
andun din ata ako! LOL
hahaha! Yes nakita ko ang video na yan. And you we’re focused. Sabi ko sa sarili ko, she looks familiar. Hahaha! And TAMA ako ikaw pala talaga… Until now fan pa din ako, but si Vic Zhou na lang and Jerry Yan. Sige na nga pati si Van Ness, kasi mag-judge sya sa AGT. Hahaha! I knew it…
Gusto ko lang magcomment na si Vanness nasa movie ni Jackie Chan na “Dragon Blade”. Brings back F4 memories!
Enjoy na enjoy Ms. P. Kahit yung chorus lang naman ang nasasabayan/naiintindihan. Hehe
Show me your love, what you need, what you feel, watusi…. @#$%^&&^hfdjhfdgghhfsh *repeat english lines*