Nung Saturday, nagalit ako kay Papa O. Di ko siya kinakausap. Siyempre si Addie, walang kamuwang muwang, nakipaglaro sa Daddy niya.
Addie: Let’s play barbershop, Daddy. I’ll be the barber.
Papa O: Okay, please cut my hair, Ms. Barber
Addie: (cut cut hair, brush brush hair)
There! Look o. Mommy! Daddy’s pogi na.
Is Daddy pogi na, Mommy?
Me: NO, HE’S NOT!!
Tiningnan ako ni Addie… Inosenteng inosente ang mukha, sabay tanong..
“He’s pretty na?!”
Puwede nga naman ;-P
—–
The next day, nag-mall kami. Nag-milk tea kami sa Chatime. May 2 magkapatid na babae sa kabilang table. Siguro mga 7 years old. Lumalapit si Addie sa kanila, gusto makipag-friends. Ang kaso, sinasamaan siya ng tingin ng 2 bata. Kawawa naman anak ko so tinawag ko siya. Binulungan ko…
Me: Addie, don’t go near them nalang kasi they’re not so nice.
Addie: Okay.
Bumalik si Addie sa seat niya… lumingon sa left kung nasaan ang lola niya, tinuro ang mga batang katabi at malakas na sinabi…
“Di ba lola they’re not so nice?!”
Pinatay ako sa tingin ng mommy ng mga bata!!!
—–
Mahilig si Addie sa toys na pang-lalake. Gusto nya si Handy Manny, Transformers, Teenage Mutant Ninja Turtles, etc. Isang araw, niloko siya ng busmate niya.
N: Siguro Addie, boy ka noh? Kasi pang-boys mga toys mo. Boy ka eh! Boy ka!
Hindi lumaban si Addie. Tahimik lang siya habang nasa bus. Hindi rin umiyak. Nagtaka nga si yaya.
Pagdating sa bahay ng bus, bumaba si Addie… Sabay sigaw ng:
Addie: Bye, Kuya N pangit! Pangit pangit!
Sabay tawa.
Malditang bata!!! Pinag-isipan ang paghihiganti!!!
Dapat na ba ako matakot????
I love you ha hah ah h ha h ah h a hh h hah ah a h hah h
Such a smart kid.