• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

#ProvinciatedProblems

Provinciated · Mar 14, 2015 · 6 Comments

Lahat naman ng tao may kanya-kanyang problema. Kaya nga nauso ang samu’t-saring hashtags…

Kapag nalilito ka kung sino sa mga manliligaw mo ang dapat sagutin — #gandaproblems.

Kapag tuwing lumalabas ka ng bahay, may napapa-picture sa’yo dahil kamukha mo si James Reid — #pogiproblems.

Kapag di mo alam kung ano ang mas bagay sa OOTD mo, ang red Prada o ang purple Birkin — #sossyproblems.

Ako, simple lang ang buhay ko dito sa BaCav. Pero hindi ibig sabihin nu’n wala akong mga problema…meron din, medyo naiiba lang.

Kapag puyat na puyat ka pero mapipilitan kang gumising kasi sabay sabay tumilaok ang mga panabong ng tatay mo — #PROVINCIATEDPROBLEMS

image

Kapag biglaan mong kailangan magpakain ng 100 katao kasi sa inyo pala ang huling istasyon ng Way of the Cross — #PROVINCIATEDPROBLEMS

image

Kapag nagmistulang parking lot ang kalsada at di ka makauwi ng bahay. Bakit kamo? Kasi lima ang sunod sunod na ililibing na patay eh bawat isa may prusisyon — #PROVINCIATEDPROBLEMS

image

image

Kapag napapagastos ka dahil kailangang may banda ng musiko (as in 50-person brass band levelz ha) ang bawat birthday, fiesta, kasal, binyag, salubong, Todos Los Santos, Semana Santa o kahit anupamang okasyon sa inyo — #PROVINCIATEDPROBLEMS

image

image

Kapag pinaghandaan mo ang Halloween costume mo pero di ka makapag-Trick or Treat kasi baka ipa-barangay ka ng mga kapitbahay — #PROVINCIATEDPROBLEMS

image

image

Kapag maiistorbo ang mapayapa mong panonood ng TV dahil kailangan mo tumulong sa paghuli ng nakaalpas na sisiw ng tatay mo — #PROVINCIATEDPROBLEMS

image

O diba, kakaiba. Pero masaya. Kayo, lalo na ‘yung mga lumaki o nagagawi sa probinsya, share your #provinciatedproblems dito. O kung gusto niyo lang maghimutok ng kahit na anong problema o issue niyo sa buhay, pwede naman kaming makinig. Malay niyo, mahanapan pa natin ng #soshalsolution. ๐Ÿ˜‰

Related Posts

  • Provinciated’s Christmas GanapProvinciated’s Christmas Ganap
  • Super Staycation @ Summit Hotel MagnoliaSuper Staycation @ Summit Hotel Magnolia
  • RolexRolex
  • Mga Dalagang PilipinaMga Dalagang Pilipina
  • Dramarama ni PDramarama ni P
  • Provinciated’s OOTDsProvinciated’s OOTDs

Provinciated, TSN provinciated

Comments

  1. chorva chenelou says

    March 16, 2015 at 5:03 pm

    Mega relate ako sa patay. From 1998-2001, i had a really peaceful painter’s studio at the boundaries of Bgy Poblacion & Bgy Toclong in Famous Imus. I still miss the quiet and the friendly neighbours until now.

    Reply
    • chorva chenelou says

      March 16, 2015 at 5:14 pm

      PS Bgy Toclong is where the cemetery is sa Famous Imus

      Reply
  2. am says

    March 15, 2015 at 2:43 am

    Tgabikol ako madami din akong provinciated problems una yung lahat na LNG festival at re routing ang road pag bumusina ang pulis walang crime or walang hinahabol na criminal either my festival or dumating so Daniel Padilla or kung sino pang artista or my mga pumasa sa bar lol Sunod yung mga nanghihingi ng dahon ng malunggay d sa nagdadamut ako kung kelan malapit na magtanghali saka manghihingi kung kelan busy ka na or minsan nman kung kelan nananginip ka at wag ka kung pede din kasama ng niyog. May naghihingi din ng bunga ng langka hilaw o hinog lol. Binigyan ko na nga tangkay n malunggay para itanim namamatay daw lol. Pede nman manghingi kaya lang timing talaga kung kelan paalis ka na ng bahay saka darating

    Reply
  3. Denis says

    March 14, 2015 at 1:31 pm

    relate ako dun sa patay. Naexperience ko yan nung sa imus, etivac pa ako umuuwi! At ang isang provinciatedproblem? Kelangan gumising ng 3 am at pag inabot ka ng 6 am sa aguinaldo, bukas ka na makakarating mg makati!

    Reply
  4. Tin says

    March 14, 2015 at 1:27 pm

    Kapag pinapagalitan ka ng nanay mo dahil tanghali ka na daw gumising (pero pag tingin mo sa relo, 6:30 am pa lang naman).

    Reply
    • Jocris says

      March 23, 2015 at 10:45 pm

      Hahahha! I can relate to this, nung nasa bahay pa ako namin!! aga manggising..

      Reply

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.

โ€™Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

Explain lang namin ang photo na โ€˜to ๐Ÿ˜‚ #GGSS Explain lang namin ang photo na โ€˜to ๐Ÿ˜‚ #GGSS
Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hab Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hablot ka lang ng items, ngayon, iisipin mo muna kung bibilhin mo o hindi bago mo hawakan.
2. Dati, pwede ka abutin ng 3 oras sa pag-iikot, ngayon nag-aapura ka makalabas ng grocery! 
3. Dati, pwede pa gumala after shopping, ngayon, uwi, ligo, disinfect! 
Got THE NEW NORMAL errand tote bag and wallet from @bes_ph (Basic Essential Supplies). Dahil kung dati, pwede pa mag-ulit ng bag, ngayon, dapat direcho laba na! ๐Ÿ˜‰
How to stay fit while doing household chores. #squ How to stay fit while doing household chores. #squatspamore ๐Ÿ˜‚
Kusina workout ๐Ÿ˜‚ full video sa aming YT channel Kusina workout ๐Ÿ˜‚ full video sa aming YT channel!!
Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura nam Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura namin 10 years ago. Hindi kasi kami kumakain ng cake noon...tinatapal lang namin sa mukha. Foundation pa more!!! ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚
Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting ๐Ÿ˜‚
This error message is only visible to WordPress admins

Error: API requests are being delayed for this account. New posts will not be retrieved.

Log in as an administrator and view the Instagram Feed settings page for more details.

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 ยท Soshal Network 3.0 on Genesis Framework ยท WordPress ยท Log in