Noong isang gabi, habang nagdidinner, may lumapit sa aming mestiza at fabulosang mommy. Nagbabasa daw siya ng blog. Hi, Tita Mel at sa anak niyang si Bea!!! Next thing I know, tinatanong na ni Bea kung may instagram ba raw ang The Soshal Network para ma-follow daw kami ni Tita Mel. Bongga ni Tita, nag-iinstagram!
Noon ko napagtanto na oo nga noh! Tila nakakasabay na nga ang mga “thunder cats”, este mga “may edad” pala, sa mga bagets na tulad natin (bawal kumontra!). At napansin mismo namin ‘yan sa aming mga magulang.
Here are the TOP SIGNS NA BUMABAGETS ANG IYONG PARENTALS:
- Gumagamit na ng hashtag sa text.
- Nawiwili na rin sa thrilling “rides” mapa-theme park man o sa mall. Adventurous ang mommy ni D!
- Nagkaron lang ng cellphone na may camera, aba, panay na ang selfie!!!
- Di rin nagpapahuli sa mga usong pose. At take note, consistent!
- Most recent read: Star Studio and Metro Magazine.
- Mahilig na rin sa Hello Kitty??? Bilhan na rin kita ng Frozen, Father Thunder?
- Adik na sa gadgets. Keber na si Tito sa mga kasama. Intindihin niyo na lang, D. Baka may umaatake na sa clan niya. 😛
- Kung dati “top-siders” lang ang tawag niya, pwes ngayon, “Sperrys” na. 😉
- Pag sinabing costume party, COSTUME PARTY talaga! #Karir
- Iba na ang taste sa music. In fact, updated siya sa Philippine concert scene!
Eh di wow!
‘Yan ang mga patunay na kung may kasabihang “Iba na ang kabataaan ngayon,” aba, iba na rin ang nakatatanda ngayon!
Kayo, may bumabagets moments din ba ang mga mudra, pudra, lolo at lola niyo? Share niyo naman sa’min by using the hashtag #bumabagetsmoment and tagging @thesoshalnetwork. Aabangan namin ‘yan! 🙂
hi, there! tita mel here. see, kahit sa FB fan ninyo ako! ❤️
Winner si Pooh Senior! Bwahahahaha
LOL di ko alam nagda-doll shoes pala si winnie the pooh.
hahahaha funny!!!
tatay ko rin kung maka-tablet at YOUTUBE!! wagas!!!
Ay mem, si mudra Nung bday nya, dine out kami. Eto na fudang no, akmang kukuha na ako sa kadahilanang gutom na ako Dahil bumyahe pa ako from QC to Etivac, sabi ba naman ng mudra “Ay mamya ka na kumain. Picture Muna para sa fb” sabi Ko “mudra!!! Tom jones na Ko no!”
lol!!!