• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

Nang Gumanti Si Addie

Domesticated · Jul 15, 2015 · 2 Comments

One of the “disadvantages” of having only one child is that Addie gets lonely. Bagong  lipat palang kami sa house kaya’t wala pa siyang masyadong friends sa neighborhood. Although she goes to school na, she’s still longing for playmates.

image

Every afternoon, Addie and her yaya go to the playground to look for friends. May nakilala siyang bata na 3 years older than her na itago natin sa pangalang Matthew. First two days, good vibes sila. Then, one night pag-uwi ko, umiyak si Addie sa akin.

Addie: Mommy, Matthew doesn’t like me na.

Mommy: Huh, why?

Addie: He pushed me and doesn’t want to play with me. I don’t have a friend anymore.

Grabe, naiyak ako. Naawa ako sa mukha ng anak ko. Nagsabi rin si yaya na tinulak nga si Addie tapos pinapaalis sa playground. Gusto ko sugurin si Matthew… Tapos naisip ko, bata nga pala siya. Baka sinumpong lang ng matindi. Sabi ko nalang kay Addie na the next day, dala siya food sa playground tapos share it with someone who will be nice to her so she will have a friend.

 Sumunod ang bagets. Pero may ka-malditahang ginawa.

 Pinili niya yung ayaw niyang snack tapos pumuntang playground. Nakita siya ni Matthew at lumapit.

 Matthew: Hi Addie.

 Addie: (deadma)

 Matthew: Hi Addie.

 Addie: (deadma) hmp!

 Marunong umarte!! 3 years old palang siya!

 Matthew: Addie, bati na tayo.

 Addie: No, you away me.

 Matthew: Sorry na…

 Addie: Okay… you want? (Sabay abot ng snacks)

 Matthew: Thank you.

Sabay kinuha yung snacks at kumain. Maya-maya (nang mangalahati na ang kinakain niya) naalala niyang offer-an si Addie…

 Matthew: You want?

 Addie: No, I don’t like that. That’s yucky. 

Hahaha, bukelya! Pero at least bati na sila ;P

Seeing Addie that night when she cried made me realize na I have to give more attention to her “social life.” Siyempre, I want her to be with good company. Kaya nag-set agad kami ni Karen, my friend since law school who lives near our house lang, ng playdate.

 She has 2 handsome boys, Ygo and Yulo.  Alam ko parang boy ang ka-hyperan ni Addie pero di ko akalain… Mas makulit pa pala siya sa kanila.

image

Obvious ba? ;P

Now, I have to find other ways na hindi maging lonely si Addie. Hindi magka-kapatid ha! Wag natin i-stress ang matress. Dadating din yan 😛

Related Posts

  • Ang First Time ni DAng First Time ni D
  • Moving UpMoving Up
  • Paano Angry?Paano Angry?
  • Ang aking HanakAng aking Hanak
  • Masunuring BataMasunuring Bata
  • Baby A for Agad AgadBaby A for Agad Agad

Domesticated, Parenting and Marriage, TSN Addietot, kids, kuwento, motherhood

Comments

  1. Aya says

    September 27, 2015 at 2:36 pm

    Perfect ang response ni Addie. <3

    Reply
  2. Denis says

    July 22, 2015 at 7:52 pm

    Hay nako D, mas ok na playmate ang brother/sister. Dagdag sakit sa ulo nga lang lalo na pag nagrambol yan. lol

    Reply

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

This error message is only visible to WordPress admins
Error: No users set.
  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in