Nangyari na ang kinakatakutan ko ever since nagsimulang pumasok sa school si Addie… Ang ipatawag ako ng teacher!
Kahapon tinext ako ni Papa O. Sabi daw ni yaya, tawagan ko daw si teacher after school hours. Sobra ako kinabahan. Kung ano ano pumasok sa utak ko.
Ano ginawa ni Addie?
May inaway siya?
May nilagyan na naman ba siya ng scotch tape sa ulo?
Ang tagal pa ng 4pm, puwede ko na kaya tawagan si Teacher?
Nakakapraning!
Dati ko pa naiisip na mangyayari to. Di ko lang inexpect na ganito kaaga! Sabi ko nga kay Ms. Provinciated dati..
D: P, pag-dumating ang araw na ipatawag ako ng teacher
dahil may ginawa si Addie, anong gagawin ko?
P: Tarayan mo agad! Yan ginawa ni Mother Earth dati eh.
Inuunahan haha!
D: Eh pano kung binully yung anak ko tapos pinalabas na siya ang may kasalanan?
P: Aba hindi puwede yan!
D: Ah alam ko na, pakilala kaya ako, ako po si Atty. D, may problema po ba?
P: Puwede, samahan kita para dalawa tayo. Hahaha!
Iniisip ko na kung gagawin ko na ba yung eksenang yun. Pero pinapatawag lang naman ako sa telepono at mabait naman teacher ni Addie so baka hindi kailangan.
And so, matapos ang pagpapawis ng malamig ng ilang oras, dumating na ang 4:00 pm.
D: Hello, puwede po makausap si Teacher ___.
Teacher: Sino po ito?
D: Mommy po ni Adriana.
Teacher: Ay Mommy… Kasi po, may mga concerns lang ako.
Nilamig na naman ako.
First concern: Mahaba na ang bangs ni Addie. Pakilagyan ng clip or gupitan.
Okay…
Second concern: Nahihirapan po siya sa number before and after.
(Tinuruan ako ni teacher ng technique)
Okay….
Last but not the least concern:
Eto na shet!
Mejo madaldal po si Addie. Nale-late po siya magsubmit ng seatwork kasi kakausapin niya seatmate niya sa kanan tapos sa seatmate nya sa kaliwa tapos sa harap po.
Ayun na!
Naisip ko na ipapatawag ako dahil umiyak si Addie sa school o may nakaaway pero di ko naisip na ipapatawag ako dahil sa kadaldalan!!! Anak nga kita Addie… Walang duda! 😛
So yan ang FIRST parent-teacher consultation ko. FIRST talaga kasi kinukutuban akong masusundan at masusundan pa ‘to. #LordHelpMe 😯
Hahaha! Manang mana sa pinagmanahan! Addie is indeed my favorite TSN household character. =)
Hahaha! Hi Mafeth 🙂 May common friend tayo 🙂
Hahahahaha! Napaka OC ni teacher pati bangs pinapaayos! hahahahhaha.
Napupunta daw kasi sa face at nadidistract. Papagupitan ko na nga haha 🙂
Di ko kinaya HAHAHA! Yung bangs :))
oo, concern talaga siya! hahaha! 🙂