Nagulat kami nang biglang dumami ang nagbasa ng old post naming “Napamura sa Shu Uemura”. Sa nag-share, maraming salamat. Update ko lang sana kayo tungkol sa maka-butas bulsang make up na ‘yan…
Ang tatlong buwan kong hinulugan, in fairness, tumagal naman. Pero last week, tila naghihingalo na ang container ng liquid foundation. Kahit ano’ng pump ko, waley nang lumalabas. Sa isip ko, “P*t@ng buhay ‘to, kelangan ko na naman bumili!” Pero hindi muna ako gigive-up sa kanya. Kailangan ko siya masimot hanggang sa kahuli-hulihang patak.
So ano ginawa ko? Dinistrongka ko ang bote. Kumuha ng cotton buds at pilit na sinimot ang gilid ng container.
P: Ate, penge ng lalagyan! Madami pa ‘to. Sayang!
Agad naman akong inabutan ni Atekupungsingsing ng maliit na Tupperware container. Pwede.
Last week ‘yan. Fast forward tayo sa last Sabado. May event sa San Pablo ang Lions Club nina Papa N at invited kami. Evening gown competition ang drama kaya nagpatahi pa kami ni Ate. At dahil gumastos na ko sa damit, sabi ko sa Ate, kami na lang mag-make up sa sarili namin. Wala naman kaming major role sa event eh.
Si Ate, bihis at nakaayos na. Ako, magsisimula pa lang. Panic mode na. Sumalampak ako sa kama katabi ni Father Thunder at nilabas ang payak kong make up kit. Syempre, una ang foundation. Nilublob ko ang brush sa mahiwagang Tupperware ng sinimot na make up at ipinahid sa noo, pisngi at baba ko. Nang…
P: Bakit parang may amoy? Ano ‘yun?
Ate: Huh?
P: Amoy suka na may bawang…
Ate: Wala naman ah…
P: T@en@!!! ‘Yung foundation!!!
Ang inabot pala sa aking Tupperware ni Ate, lalagyan ng sawsawan!!! Anak ng @#$%@!
P: Daddy!!! Si Ate sasawan ata ng lumpia ang binigay sa’kin! ‘Yung make up ko tuloy nahawa. Pati mukha ko!!!
Father Thunder: Bakit mo ba kasi sinalin?!
P: Sayang eh. Gusto ko simutin.
Father Thunder: Hehehe…kakuriputan mo kasi.
Sabay lipat ng channel sa TV na parang walang problema. Kaso may problema!!! Malaki!!! PAANO AKO BEBESO SA PAMILYA NI PAPA N AT SA ALTA SOCIEDAD NG SAN PABLO NA AMOY ADOBO ANG MUKHA KO?! Baka isipin pa nila di pa ko nakakarecover sa longganisang inalmusal ko.
Napilitan tuloy ako maghilamos ulit at kuskusing maigi ang fez ko. Wala na kayang oras! Late na nga, tsaka ko pa.
So ano ang moral of the story?
- Wala namang masama sa pagiging masinop.
- Pero ilagay sa lugar ang pagtitipid.
- At lastly, hugasan nang maigi ang mga kasangkapan bago gamitin.
Natawa naman ako.. pero totoo kahit ako matipid ako sa gamit kasi nga siempre sayang naman at hindi pinupulot ang pera diba?
Pero dapat ngang i-check ng maigi kung anu ang ibinigay (kung malinis) para di naman sayang.
Next time!
Ang lakas nanaman ng tawa ko P! Parang comedy sitcom buhay mo! Hahaha