Bumiyahe akong Hong Kong two weeks ago. Hindi naman for lakwatsa purposes kaya di ako masyado nakalibot at nakapamili. Sa huling araw namin, bigla akong nakatanggap ng Viber message galing kay Kuyakoy.
Buddhist wood prayer beads bracelet…saan ako makakahanap nun??? Pero minsan lang maglambing ang panganay namin (madalas kasi siya hinihingian namin ng pabor) kaya di pwedeng di ako makabili!
Una kong sinubukan maghanap ng Buddhist temple sa area. Waley. Sunod akong naghanap ng market or souvenir shop. Waley. Sabi ng hotel receptionist, baka meron daw sa dulo ng kalsada. Pinuntahan namin ng kaibigan ko at natunton nga namin. Isang malaking tindahan na puro Buddha at tipak tipak na gems ang naka-display. Medyo kinabahan ako. Mukhang mamahalin eh.
Paglapit sa babae sa counter, aba, ni ayaw kami tignan ng matanda! Busy-busy-han ang drama at ayaw kami asikasuhin. Pinapakiramdaman ko siya pero wala siyang planong intindihin kami. Nagsalita na ‘ko.
P: Hello. I’m looking for a bracelet with beads, used by monks for prayer
(with matching gestures ala-Mandy Moore sa “Only Hope”).
Babae: No…no…no! (Tila gusto akong palayasin!)
Sumaklolo ang isa pang tindera at nag-translate. Nagmamadali kaming tinuro sa isang eskaparate na de-susi. Andun nga ang mga wooden bracelet na hanap ni Kuyakoy kaso…
P: How much?
Babae: HKD 900.
Inay! Ang mahal pala nun! Halos Php7,000 para sa kahoy na bracelet?! Agad kong binitawan ang bracelet at pumunta sa area ng tindahan na mas mumurahin. May kamukha nung gusto ni kuya pero hindi ako sure kung kahoy. HKD 60 lang. Kaso baka sa halip na calming effect ang makuha ng kuya ko, ma-highblood sa kakuriputan ko.
P: How about this one? Is this made of wood? Excuse me! Miss!
Ang bruhang tindera, hindi na ulit ako pinapansin! Jinudge na ‘ko. Inisip siguro na wala akong pambili ng mamahalin kaya mura ang gusto ko. Hoy, may pambili ako noh! Ayoko lang gumastos ng P7000 para sa kahoy na bracelet!!! Teka nga, naghahamon ‘to eh…
Bumalik ako sa unang eskaparate.
P: Miss, open this. I will buy.
Babae: This one, you will buy?
P: Not that one. I want bigger! Bigger beads, bigger bracelet!
Babae: This one? HKD 1,100?!
P: Yes, I will get! You accept credit card?
Kitang kita kong lumiwanag ang mukha ng bruha! May kasama pang matamis na ngiti, habang binabalot ang bracelet at sina-swipe ang lumuluha kong credit card. Biglang dumaldal ang babae at, milagro, marunong pala mag-English!!!
Babae: You travel?
P: Yes.
Babae: From the Philippines?
P: Yes.
Babae: Ah, yes, Filipina. Your face, very beautiful! Philippines very good!
CHUUUUUWE!!! Kanina lang ni ayaw mo ko tignan. Ngayon, beautiful ako bigla!
In fairness, natuwa ang Kuyakoy sa bigay ko. Cedar wood daw kaya mabango at may calming effect talaga sa kanya. Mabuti naman kasi hihiramin ko ‘yung bracelet kapag dumating na ang credit card bill ko. 😉
Walang tawad?:))
Aliw ako sa story mo sister! Kawala ng stress…..thanks!
Kahit suplada, wagi pa rin ang tindera at the end of the day kasi nakabenta siya ng mas mahal na bracelet…huhuhu
HAHAHAHAHA tawang tawa ako sa experience mo. You gave me a good laugh this morning. Thank you!
Oh my god ang mahal! Higit pa yata sa calming effect ang kakailanganin ko kung ako ang bibili nyan. Echusera si ate ah, mabait lang sa buyers nakakainis hahaha…
Ahahaha I really love reading your blogs. Don’t worry hindi lang ikaw ang may mga “napasubo” moments for sure. Marami taung ganyan, ung tipong “pikit mara n lang”! Hehe pero I believe worth it naman ang happiness ni kuyakoy mo because of that super expensive bracelet!
ahahahhahaaa ganun nga sa HK, actually kahit mumurahin sa tianggian, ayaw nilang ipapalabas or ipapababa yung item kung titingin lang
nakakatawa ka sobra pag napapasubo
yan tlga ang gusto ko sayo P, palaban ka! =D