• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

Cotillon de Honor

Provinciated · Jan 17, 2016 · Leave a Comment

7th Birthday ng anak ng Mayor namin noon. At dahil anak ng politicians, aba, bigtime ang party! Mala-debut ang dating, nagpagawa pa ng bagong venue at may cotillon de honor. O-ha!

12528747_10206974755939962_866721112_o

Bangs pa more! Tease pa more!

            Bilang politicians din si Mother Earth, isa ako sa napabilang sa cotillon. Seryosohan ang practice. Tandang tanda ko pa ang dance instructor namin na ubod nang tabil ang bunganga…

            “Wag ilalagay ang kamay sa harapan. Mukha kayong nagkakamot ng kepyas!”

            7-10 years old lang kami noon ha. Lord, patawarin niyo po siya.

First day ng practice, pinagpares-pares na kami. At naku, sa pinaka-cute na little boy ako pinartner! Itago natin siya sa pangalang Juan. #KiligPaMore Kaya naman excited na excited ako tuwing mag-eensayo. Sinisigurado kong terno ang blouse ko sa shorts. Hello Kitty kung Hello Kitty. Floral kung floral.

Ilang araw na lang bago ang party, may isang batang lalaki na nadagdag – si Pedro. Cute din naman at matangkad si Pedro pero mas bet ko pa rin si Juan. Kaso, dahil sa pagbabagong ito, nagbago rin ang pairing. At dahil ako ang pinakamatangkad na babae…

D.I.:      Juan, kay Maria ka na papartner. Ikaw, Camille, si Pedro na partner mo. Ituro mo sa kanya ang steps.

Nagsalubong ang kilay ko sabay haba ng nguso. At di na nabago ang facial expression na ‘yun hanggang umuwi kami. Actually, hanggang umabot sa araw ng party. Pikon na pikon pa rin ako sa D.I.! Sagabal sa kaligayahan!

12592034_10206974439692056_52253564_o

Oo, ako ‘yang nakapameywang. #YamotNaYamot

            At dumating na nga ang araw ng party. Yung topak ko, hindi pa humuhupa.

Aling Curing:              Camille, ligo na at aayusan pa kayo bago mag-party. Tapos magbibihis pa.

Camille:                      Ayoko na sumali.

Aling Curing:              Anong ayaw mo?!? Hindi pwede, ligo na.

Hinubaran na ko ni Aling Curing at binuhusan ng tubig sa banyo. Sa puntong ito, wagas na ang pagmamaktol at iyak ko. AYOKO NA NGA SUMALI!!!

Aling Curing:              Bakit ba?? Sabihin mo sakin.

Camille:                      Basta! Ayoko na!

At sa gitna ng pagda-drama ko, biglang bumukas ang shower curtain at dumagundong ang banyo …

Kuyakoy:                    MALIGO KA NA!!! ANO BA KASI PROBLEMA MO???!

Nanlamig ako sa takot. Hanggang tuhod lang ata ako ni Kuyakoy. Highschool na siya, Grade 1 lang ako. Baka tapakan niya ko. Pero nag-aalab ang damdamin ko. Ayoko sana sabihin ang totoo pero hindi ko napigilan…

Camille:                     HINDI KO KASI PARTNER ANG CRUSH KO!!!

            Natigilan ang lahat at sabay sabay…

BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

Pinagtawanan nila ang feelings ko. Masakit. Pero mas ok na rin yun. Kesa ibitin nila ko nang patiwarik sa kalandian ko. ;P

Related Posts

  • Love Life PredictionLove Life Prediction
  • ClingyClingy
  • Kawal ang Tatay KoKawal ang Tatay Ko
  • Exemplary in ConductExemplary in Conduct
  • Disney PrincessDisney Princess
  • Bully | Part 2Bully | Part 2

Provinciated, TSN childhood, cotillon

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

This error message is only visible to WordPress admins
Error: No users set.
  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in