OK… eto na ang shameless plugging. Pagbigyan nyo na ako at naghahanap buhay lang…
Nagtayo kami ni CJ ng maliit na resto sa may tapat ng FEU Gym sa may Morayta (R. Papa St., Sampaloc Manila)
Ang peg nya ay LA/Filipino Street Food fusion… i.e. yun mga makikita nyo na binebenta sa food-truck sa LA, ganun halos binebenta namin, pero with a Filipino flare.
(Our Sisig Taco)
Nakakapagod maging small business owner. 🙂 Pero, ang tawag nga namin ni CJ dito ay aming “passion project”… dugo at pawis ang ginamit. Si CJ nag construction worker na din habang nag rerenovate.
(El Construction Worker)
Pero lahat ng pagod at paghihirap nawawala pagnakikita namin ang mga tao na sarap na sarap sa foods. May mga ibang bata na ngayon din lang nakakatikim nung ibang offers and nakakatuwa pagnaririnig namin na masaya sila sa kinakain nila. Plus, may libreng WIFI and UNLIMITED ang Soda Fountain kaya talagang benta sa mga college students.
Unti-unti na din nagiging tambayan ang Flippin’ Cow. Nageenjoy si CJ nakasalamuha mga kabataan from the nearby colleges along University Belt.
(Interiors: Street Art by local artist Esdi San Diego; we repurposed plastic crates as chairs/stools and as mini-cubbie holes for students’ bags; all tables have their own little chalkboard.)
Yung iba dumadayo mula Quezon City para umorder ng sliders at burritos.
(Steamed sliders and Fresh Cut fries – the meat is 50% Chuck 50% Bacon, freshly ground always in front of CJ, and the Fries are literally fresh cut every day, and is served with our own Nori seasoning; The Burrito is made with Mexican rice, your choice of meat (I prefer Beef Caldereta) and fresh herbs and veggies and beans)
Simple lang ang menu. Pero masaya.
(Yes, we serve RICE MEALS.)
Kapag nasa may U-belt area kayo, baka may oras kayong dumaan. It’s Flippin’ amazeballs!!
Thanks po.
Follow Flippin’ Cow on fb (http://facebook.com/flippincowmanila) and Instagram (@flippin_cow)
super sarap yung caldereta quesadilla 🙂
Salamat Izza! So happy you liked it! Caldereta recipe yan ng mom ko actually. Sasabihin ko may nag comment na nagustuhan nila.. 🙂
sana po may delivery makati area 🙂
Soon Ninya! Pray pray lang muna kami! Haha! Naghahanap na ng motor si CJ, the white guy might be delivering to a place near you soon! 😉
makadaan nga dito….huhu NACHOSSSSSS :)))))
Subukan nyo sana yun Kimchi Nachos! Patok yun!
Yeye, nakadaan ka na ba?? Naghihintay ang NACHOSSSSSS :)))))
Nako atty! hindi pa po! pasensya naman hahahaha pero naglalaway na ko sa Kimchi Nachos huhuhuhuh. hahahahaha. taga-qc pa kasi akech HAHAHAHA
Sana mag-expand kayo… sa katip! 🙂
Sana mag-expand kayo… sa katip! 🙂
Naku AlexMD gusto din namin yan… sana, God-willing makahanap kami ng pwesto din. Salamat!
This is nice ah! I will definitely drop by with the hubby one of these days.. I hope I can take photo-op with you as well. By the way, are you open on Sundays?
Halloooo!!! Salamat! Hope we catch each other when you visit, although CJ is always there naman. Unfortunately we are closed on Sundays… nakikisabay kami ng schedule sa mga schools sa U-Belt. Please check out our FB page for our hours of operations… hope you can come visit us!!
Sampaloc, not Paco, right?
Koraaaaak! My gulay… Thanks for that! Will edit the entry accordingly! Bakit ko ba nilagay na Paco??