Single ka ba sa darating na Valentine’s Day? Nag-tanong kami kung ano bang puwedeng gawin ng mga walang date ngayong V-day. Eto ang ilang mga suggestions mula sa aming soshal friends…
I-update mo ang iyong bio-data o di kaya ilista mo ang lahat ng accomplishments sa buhay. Makikita mo…
Hindi ka naman loser.
–
–
Pumuntang Pink Sisters o kahit anong kumbento at magdasal. Humingi ng sign kung tinatawag ka na ba nila.
Malay mo…
–
–
Pag pustahan niyo ilang months lang itatagal ng mga couple friends niyo.
#bitter
–
–
Sagasaan ang naglalandian sa kalye.
May instant date ka na sa pulis.
–
–
Mag-stalk ng friends sa Facebook…
Makikita mo na may mga mas magaganda o gwapo sa iyo na wala ring love life 🙂
–
–
Tawagan ang kaaway mo at yayain mo sa date. Tapos wag mong siputin…
Ayan may mas bitter na sayo.
–
–
Halikan ang lalakeng makasalubong mo na may jowa, at sabihing “bakit di mo ko tinawagan kagabi?”
Ngayon, tatlo na kayong single.
––
–
Ilista ang pangalan ng mga EX…
na pangit ang jowa.
–
–
Magtawag sa mga restaurants at magpa-reserve sa lahat….
Para madami na rin hindi makakapagdate.
–
–
Pumunta sa date place tapos mag photo bomb sa lahat ng couples dun na nag se-selfie.
#bitterpamore
–
–
Mambulabog sa motmot at sumigaw ng…
“Ilabas mo jowa ko!”
––
=
Pero sa totoo lang, eh ano kung wala kang lovelife? Now is the time to learn more about yourself and other people, and what you really want in life. 🙂 Eto ang malaking HUG para sa mga S.A.W.I. this Valentine’s day!
=
Special thanks to Vianca, Mito, Kate, Ben, Joseph, Marco, Liza, Trina, Ruffy, Mahal, Jay, Erika, Ralph, Harly and Krisyl 🙂
Pwede din.. bumili ng maraming kitkat at ipamigay. Sabay sabing “Have a break.” LOL
why be bitter when you’re better (palakas-loob ang peg)!
hahahahahahahaaa.. sakit ng tyan ko kakatawa! pero actually naisip ko na rin gawin lahat yan. buti d na ko bitter ngayon.
Super fun forever ng posts nyo hahahaha