• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

Dramarama ni P

Provinciated · Mar 4, 2016 · 11 Comments

Maliit pa lang ako, ma-drama na ang buhay ko. Hindi dahil nagdidildil kami ng asin para lang makakain o nagkakalkal kami ng basura ala-“Pasan Ko Ang Daigdig”. Ma-drama ang buhay ko dahil…ma-drama lang talaga ako.

hqdefault

Minsan, sa kagustuhan kong hindi pumasok sa school, magpapanggap akong may sakit. Uubra kay Mother Earth? Syempre hindi. Kaya kailangan makatotohanan. At pag sinabi kong “makatotohanan”, ibig sabihin kailangang magpahulog talaga ako sa hagdanan ng Lola ko para mabalian nang konti. Pero konti lang naman. Di nga ko pinapasok, di rin naman ako nakalaro.

At gaya ng lahat ng bunso sa Pilipinas, madalas din akong niloloko na ampon nina Kuyakoy at Atekupungsingsing. Kung ang normal na bata ay iiyak lang at magsusumbong, iba ang eksena ko.

Nanay Flora: Ano ginagawa mong bata ka?
P:                  Nag-eempake na po ako. Lalayas na ako. Sampid lang naman ako sa pamamahay na ‘to. Hindi ako tunay na Buhain.

anak-moviestills-12

At kung magtatanong kayo, oo, ginamit ko talaga ang salitang “sampid”. Yan ang natutunan ko kapapanood ng mga pelikula ni Julie Vega. (Sumalangit nawa.)

Isang beses, mga 9 years old siguro ako, nagkalkal ako sa mga gamit nina Mother Earth at Father Thunder at may nakita akong passbook ng bangko. Pagbuklat ko, nakita kong P150.00 na lang ang balance.

FBT_-_Passbook_Savings

(Source: www.firstbt.com)

Sinarili ko ang aking natuklasan ngunit labis akong nag-alala. Naghihirap na kami. Hindi naman sa mayaman ang pamilya namin pero kung P150 na lang ang pera ng mga magulang ko sa bangko, tatlo pa kaming magkakapatid, gipit na gipit na kami.

Inisip kong baka patigilin na nila ako sa pag-aaral. Baka paalisin na nila sina Nanay Flora dahil wala na kaming pang-sweldo. Hindi pwede. Ano’ng gagawin ko???

Simula nang araw na ‘yun, di na ako masyado kumain. Kung dati nakakadalawang hotdog ako, kalahating hotdog na lang. Para may ulam pa kami bukas. Pero kakainin din lang naman ni Kuya at Ate yung tira ko.

Tuwing gabi at oras na para matulog, kahit takot na takot ako, papatayin ko ang ilaw. Magpapanggap din akong giniginaw para patayin ang electric fan para makatipid kami sa kuryente. Ilang araw din matambok ang eyebags ko.

Pero ang pinakamalaking sakripisyong naisip kong gawin ay ang…ang…ang MATULOG NANG WALANG UNAN. Hindi ko alam kung ano ang matutulong ng ginawa kong yun. Basta ang alam ko lang, mas mukha akong kawawa.

Nagtataka na pala si Mother Earth sa mga kinikilos ko.

Mother: Hoy, ano ba nangyayari sa’yo???
P:         Gusto ko lang naman makatulong. Kasi…kasi nakita kong wala na tayong pera.
Mother: Ha??? Saan mo naman napulot ‘yang ideya mo?
P:         Nakita ko ang passbook niyo ni daddy sa cabinet. P150 na lang ang pera natin. Mahirap na tayo.
Mother: Boba ka! Lalagyan ko yun ng lumang passbook! May butas na yung nakita mo, tama???
P:        Opo.
Mother: Closed account na kasi yun! Ibibitin kita nang patiwarik eh!

12787154_10207272888273084_232052355_o

Ayan! Panay kasi nood ng Mara Clara, Anna Luna at Valiente. Nasobrahan tuloy sa arte!

Related Posts

  • Provinciated’s Christmas GanapProvinciated’s Christmas Ganap
  • Super Staycation @ Summit Hotel MagnoliaSuper Staycation @ Summit Hotel Magnolia
  • RolexRolex
  • Mga Dalagang PilipinaMga Dalagang Pilipina
  • Provinciated’s OOTDsProvinciated’s OOTDs
  • SunogSunog

Provinciated, TSN drama, mother earth, passbook, provinciated

Comments

  1. Jen says

    February 22, 2017 at 3:32 pm

    Naiyak ako dun sa nagtitipid ka ng kuryente, hotdog at natutulog ng walang unan. Lesson to sa mga magulang na dapat pinapaliwanagan ng maigi ang mga bata kasi sa kanilang mumunting isip, their fears are real. Sarap lang minsan utuin at pagkalibangan ang mga musmos eh. Pero, really emotions nila ay real and pure. Kaya nga lumaki akong sungki sungki ang ngipin kahit may pantustos naman pala sa braces ang mudra ko. Gusto ko makatulong sa family finances. Inakala ko na baka wala nang pampaaral sa ming tatlong magkakapatid ang mga magulang ko kung gagagastusan pa braces ko. Nung sabi ko that my crooked teeth don’t bother me, hindi na nag-insist mother ko although pinatingin na ko sa dentista. Siempre, gusto rin nya makatipid. he he he.

    Reply
  2. Mike Santos says

    April 3, 2016 at 10:36 pm

    Hahaha! You never failed to make me laugh so hard… Super provinciated din Ako…

    From the sophisticated streets of Manila… Now… Relocated Ako sa Davao Del Norte and Compostela Valley… Super Provinciated…

    From the loud noise and busy streets … 360 shift from loud crickets and cow Moo Moo sounds…

    Hahaha! Kudos to TSN!

    Reply
    • TSN says

      April 3, 2016 at 11:08 pm

      Maraming salamat Mike! Ay, apir tayo dyan sa animal sounds na yan. Akin tilaok lang, sayo moo moo ang ganap. Pak!

      Reply
  3. lynlej says

    March 8, 2016 at 7:20 pm

    natawa ko dun sa 150 nalang ahahahahhaha

    Reply
  4. AJ Yabs says

    March 4, 2016 at 8:58 pm

    Sinabi ko sa ate ko dati:

    “Pinulot ka lang sa putik, ampon ka lang”

    EHHH PAANO KO ALAM? NAUNA SIYA IPANGANAK SA PAMILYA 🙁

    Reply
    • Yabs Ni AJ says

      March 20, 2016 at 1:45 am

      Hi, crush. ♥

      Reply
  5. Steph Vergara says

    March 4, 2016 at 2:56 pm

    grabe ka Ms. P.! Pinatawa mo na naman ako mag-isa dito sa opisina. lol I soooo love you! Pwede ba kita i-uwi sa bahay para masaya ako lagi? 🙂 hahaha I love you Miss P.

    Reply
  6. Vinz says

    March 4, 2016 at 1:35 pm

    Panalo! Lolz!

    Reply
  7. Promding Legit says

    March 4, 2016 at 11:45 am

    Sabi ng mudrakels ko nuon, anak talaga ako ng labandera doon sa kabilang bahay. At dahil sa kinalintikang parehas kaming kulotchina, somehow, naniwala ako. May isang beses, nakita ko si Aleng Baleng sa tindahan, nakikipag kwentuhan, agad akong lumapit at nag mano.

    Para kako gumaan ang loob sa’kin. Tapos nakaupo lang ako sa harap niya, nakatingin. Di ko na matandaan yung sunod, basta ang ending nito, pinagalitan ako ni mama. Kasi baka daw ichismis kami sa kapitbahay na nangangagaw ng labandera. Suskopo!

    Reply
  8. Drama King Ken says

    March 4, 2016 at 10:20 am

    OMG attorney! I can so relate! May malalang aspiration for fame din ako nung bata! Dami ko ring kadramahan noon.

    Ginawa ko rin yang layas-layasan acting na yan with matching empake ng mga damit gamit ang kumot!!!

    Nagbasag din ako ng mga pinggan noon (ang ending – isang weekend akong grounded sa kwarto).

    Kasalanan itong lahat nina Nora, Vilma, at Zeny Zabala!

    Reply
  9. donboga says

    March 4, 2016 at 9:50 am

    Hahaha. Ngayon po ba, Atty. P.? Ano na ang mas dominante, pagiging madrama o pagiging komedyante? Hehe

    Reply

Leave a Reply to Jen Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS
Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hab Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hablot ka lang ng items, ngayon, iisipin mo muna kung bibilhin mo o hindi bago mo hawakan.
2. Dati, pwede ka abutin ng 3 oras sa pag-iikot, ngayon nag-aapura ka makalabas ng grocery! 
3. Dati, pwede pa gumala after shopping, ngayon, uwi, ligo, disinfect! 
Got THE NEW NORMAL errand tote bag and wallet from @bes_ph (Basic Essential Supplies). Dahil kung dati, pwede pa mag-ulit ng bag, ngayon, dapat direcho laba na! 😉
How to stay fit while doing household chores. #squ How to stay fit while doing household chores. #squatspamore 😂
Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel!!
Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura nam Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura namin 10 years ago. Hindi kasi kami kumakain ng cake noon...tinatapal lang namin sa mukha. Foundation pa more!!! 😂😂😂
Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting 😂
This error message is only visible to WordPress admins

Error: API requests are being delayed for this account. New posts will not be retrieved.

Log in as an administrator and view the Instagram Feed settings page for more details.

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in