• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

Caitie’s Legacy

Domesticated · Mar 31, 2016 · 1 Comment

Last year, papunta kami sa isang mall para mag-dinner. Na-flat ang gulong ng koche namin. Tumigil kami sa isang vulcanizing shop na may katabing milk tea place. Dahil gabi at madilim na, binantayan ni Papa O ang sasakyan namin na nakaparada sa tabi ng kalsada. Kami naman ni Addie naghintay sa milktea place.

Nung matapos ang pag-vulcanize, sinundo na kami ni Papa O. Hawak niya si Addie papuntang sasakyan, habang dala ko lahat ng gamit. Binuksan ni Papa O ang pintuan sa likod ng sasakyan para sumakay na si Addie. Ang Addie, naisipan ata na pumasok sa kabilang pinto, umikot sa likod ng sasakyan at tumakbo sa kalsada habang may humaharurot na jeep. Malayo ako sa kanila at chinecheck ko kung kumpleto ang dala kong gamit. Pero may narinig akong babaeng sumigaw at nakita ko si Addie tumatakbo papuntang kalsada. Tumakbo na rin ako papuntang kalsada. Dumaan ako sa harap ng koche. Di ko na makita si Addie pero sa utak ko sasanggain ko ang parating na jeep. Pag dating ko sa kalsada, wala si Addie. Sa likod ng koche, yakap yakap siya ni Papa O habang ang jeep mabilis na dumerecho ng kalsada.

Umiyak si Addie dahil nasaktan sa paghila ni Papa O. Kami ni Papa O umiyak dahil sa takot. Takot na muntik ng mawala sa amin ang pinakamahalagang tao sa buhay namin. Pagpasok namin ng sasakyan, nagdasal kami ng pasasalamat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawala si Addie.

Minsan paulit ulit pa rin sa isip ko yung nangyari at hindi ko kakayanin na masaktan si Addie ko…at bigla siyang mawala. Pero yung araw-araw mong makitang nahihirapan at nasasaktan ang anak mo, at unti-unting siyang kunin sayo, di hamak na mas mahirap ata yun. Kaya naman saludo ako kay Caitie at sa mga magulang niya.

Sinusubaybayan ko ang kuwento ni Caitie. Pinagdadasal namin siya ni Addie bago matulog. Nakakalungkot na wala na siya. Una kong naisip, sayang naman na hindi niya na-enjoy ang buhay. Pero ang totoo, pinadala talaga sa atin si Caitie ng Panginoon. Sa saglit na nabuhay sya sa mundong ito, she touched the lives of many, inspired thousands to do acts of kindness, and to have hope. That is Caitie’s legacy.

I believe Caitie is now in good hands and watching over us. There’s another angel in heaven… a courageous one.

Thank you, Caitie. You’ll remain in our hearts forever.

Screenshot_2016-03-31-21-55-39-1

Related Posts

  • Bible Study at Selfie sa Sogo Hotel Bible Study at Selfie sa Sogo Hotel
  • Anne Curtis’ Wild NightAnne Curtis’ Wild Night
  • MuseMuse
  • Soshal Sports IllustratedSoshal Sports Illustrated
  • Travelling with KidsTravelling with Kids
  • Dog MamaDog Mama

Domesticated, Parenting and Marriage, Soshal Relevance, TSN Caitie, Courageous Caitie

Comments

  1. rowena says

    March 31, 2016 at 10:43 pm

    Kahit di ko kilala personally si Caitie and her family lagi din silang kasama sa prayers namin ng daughter ko. I know her only through TSN and Mommy Fleur’s blog. Masakit sa puso knowing wala na sya though may konting relief din because di na sya mahihirapan fighting everyday.
    Now I’m wondering how to tell my daughter that we’re now going to change our prayers for Caitie and family.

    Reply

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

This error message is only visible to WordPress admins
Error: No users set.
  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in