Dear Mr. Jason Magbanua,
Ako si Camille aka Provinciated. May boyfriend ako for 3 years at gustong gustong gustong gusto ko na magpakasal. Tumatanda na raw kasi ang egg cells at matres ko kaya delikado na manganak. Sorry, Too Much Information. Kaso hindi pa nagpo-propose ang jowa ko.
Na-plano ko na ang lahat ng detalye mula sa singsing na ipangpo-propose niya sakin hanggang sa draft ng invitation namin (pero blanko pa yung sa side ng groom). In short, toothbrush na lang ang dadalhin niya.
At isa sa talagang plano ko ay ikaw sana mag-shoot ng pre-nup namin. Pero dahil wala pang proposal, at dahil sa post mo that you’re willing to work for free, pwede bang kunan mo na muna ako mag-isa? Tapos pag nagpropose na siya, shoot mo naman siya. Pero kalahati na lang bayad namin.
Ok ba yun?
Umaasa,
Provinciated
CC: Papa N
OMG Ms. P! I so feel you!!!! Nakailang palit na nga ako ng motif eh…Pati nga storyboard ng pre-nup e-session namin ok na… yung isang prospect na ninong gusto nang ibigay ung regalo para sa kasal namin pro waleeeeeey… nganga.
Pero magiging maligaya ako para sa’yo kung ikaw ang mapipili ni Jason Magbanua… malay mo, yun na pala ang tamang panahon…. ayeee!!!!
Mr. Jason Magbanua, I’m rooting for P. Please sya na lang po. Thank you!
Lol…You girls really crack me up, esp Provinciated. Ok lang yan, Atty P. ako nga walang bf/ aspiring groom or prospect man lang, and I am well into my 30’s. Kmusta nmn. Anong petsa na! Kebs! Pero try ko rin ito. Pwede naman cguro kami ng dog ko di ba? Babalik na lang ako pag my groom na ko. I-edit na lang nya ung video and pictures para isingit ung groom dun.
Haha. You gitls really crack me up. Ok lang yan eh ako nga wala rin pati bf/aspiring groom or prospect. And I am well into my 30’s na. Kebs! Pero gusto ko rin mag-volunteer. Ok lang kaya kung ako na lang and ung aso ko?
Panalo ka talaga atty. 🙂
Lol 🙂 Good luck, Camille! Kung ako lang ang pipili, ikaw na ang winner.
Natupad ang pangarap mong rumampa sa fashion show at magkaroon ng ad, so why not kay Jason Magbanua!!! 🙂 🙂 🙂
Libre naman mangarap na maka-libre diba???