We’re so hot!
Este, IT’S so hot pala. Hindi na kinakaya ng electric fan at aircon sa bahay niyo ang init. Hindi na rin kinakaya ng bulsa mo ang bill ng kuryente. Ano ba pwedeng gawin to beat the heat…kahit gipit???
–
1. Magdala ng makapal na libro at pumunta sa coffee shop. Mag-order ng iced coffee.
Ang challenge… pagkasyahin ang kape hanggang matapos ang libro. TIP: Isang chapter isang sip.
–
2. Be resourceful…
…gumawa ng sariling pool.
–
3. Conserve water.
Pag-nagdilig nanay o tatay mo, sumama ka na.
–
4. Better yet, kumuha ng summer job.
Mag-apply na trabahador sa ice plant. Gininaw ka na, kumita ka pa.
–
5. Kung gusto mong magpakasosyal for instagram purposes, mag-staycation.
Mag-stay sa isang lobby ng sosyaling hotel buong maghapon.
–
6. O di kaya, pumuntang mall, umupo sa libreng rocking chairs…
at mag-afternoon nap.
–
7. Kung nahihiya ka matulog in public, pumuntang Rustans or Greenbelt 5 or kahit anong mall na may couch sa comfort room at tumambay. Pag may nagtanong bakit ang tagal mo dun, sabihin mo…
–
8. Kung may kaunting budget ka, manood ng sine.
Paglabasan na, magtago ka sa cr. Pag nagumpisa na next show, labas ka na ulit. Tiyak memorize mo na ang mga linya pagka- last full show.
–
9. Puwede rin sumakay ng airconditioned bus mula Dasmarinas, Cavite hanggang Navotas. Hanapin ang Jasper bus.
Sa halagang 120 para sa 2-way trip…nag-“wanderlust” ka na.
–
10. If all else fails, isipin mo nalang na malamig.
It’s all in the mind.
Bwahhaha! Benta sa akin ang mag hanap ng work sa ice plant! Ms P, matagal na pong walang feature kay nene at sprite… miss ko na sila plus si coco the busabos dog. More stories po. Thanks
I love your blog 🙂 konti lang ang humor website ngayon.
Ngumalngal ng Hall’s menthol candy, sabay inom ng tubig. 😉