Matapos lumabas ang Top Ten Signs na Laking Cavite Ka, ang daming naka-relate at ang daming nag-suggest. Nang inisa-isa ko ang mga mungkahi nila, napagtanto kong ang Kabitenyo pala, likas na maabilidad…lalo na sa pananalita. Kung pwede padaliin at paiksiin, tiyak gagawin. Tignan niyo…

San ka sa Cavite nauwi (umuuwi)?
Taga-Naic ako eh pero nadaan (dumadaan) ako madalas sa Bacoor. Nakain (kumakain) kami dun ng halo-halo.
x——————————x
Kung madalas gamit ay PRE short for PARE, ang kabitenyo DRE short for COMPADRE.
x——————————x
Kausap ko si Mitchel. Kanya (wika niya) eh nagtatago ka raw. Kako (wika ko) naman hindi kasi nakita pa kita kahapon eh.
x——————————x
Di ka marunong magbukas ng talaba?
Gento (ganito) lang yan eh. Sus, ke (pagka) dali dali.
x——————————x
Dang gara naman ng suot mo!
Dang bagal mo kumilos eh.
Dang kulit neto.
DANG = UBOD NANG

O diba? Hindi pa uso ang jeje at text lingo, mahilig na mag-short cut ang mga Kabitenyo. 😉






Guilty din mga Taga Laguna sa lahat ng namention
Akala ko yung ke is que!! as in from Spanish na que!!!!! hahaha