Noong kabataan ko, ang usong acronym lang
ITALY – I Trust and Love You
JAPAN – Just Always Pray At Night
TCCIC – Take Care Cause I Care
at ang walang kamatayang SWAK – Sealed With A Kiss para sa mga love letter na may katerno pang marka ng lipstick. Itaas ang kamay ng gumawa nyan! Uuuy, ayaw pa umamin!
Aba, understandable naman gumamit ng mga acronym para mapaiksi ang mga “sweet nothings” niyo sa isa’t-isa. Pero sa panahon ngayon, ang dami nang nagsusulputang shortcuts/acronyms! Ang mga tita na katulad ko, hirap nang makahabol. Ang pinaka-updated na alam ko na lang ngayon ay BRB – Be Right Back at LOL – Laughing Out Loud. Maliban dyan, waley na. Kaya imagine-in niyo na lang ang kalituhan ko tuwing kausap ang mga pamangkin kong millennial.
E1: Tita, there’s a sale at H&M. Are you G?
P: Syempre. Tara, let’s G!
E1: Bwahahahahaha!!! Tita, G stands for GAME. It’s like you’re saying LET’S GAME. Hahaha!
P: Akala ko G is for GO. Kaya Let’s GO. Sorry naman. Di kita ililibre.
Kaya para ma-update tayong mga Titas, sabay sabay nating aralin ang acronyms ng mga bagets ng bagong milenyo.
OFC — OF COURSE
IDK — I DON’T KNOW
IRDK — I REALLY DON’T KNOW
(Dahil napaka-importante ng salitang “really” for more emphasis)
TTYL — TALK TO YOU LATER (Di pwedeng “Bye” na lang? Mas maiksi pa sana.)
JGH — JUST GOT HOME
SLR — SORRY LATE REPLY (Akala mo Single Lens Reflex noh? Matanda ka na nga!)
JWU — JUST WOKE UP (Kay aga aga, kay arte arte.)
JS — JUST SAYING (Ang tatamad niyo mag-type. Just saying din lang.)
SMH — SO MUCH HATE (‘Yan ang irereply nila sa comments natin.)
OTP — ON THE PHONE
As if hindi pa sapat ang confusion natin, minsan may ibang meanings ang ilang acronyms. Kailangan pang gumamit ng context clues para maliwanagan. Example, ang SMH ay minsan ding ginagamit na SHAKIN’ MY HEAD. Used in a conversation:
Millennial A: Have you heard the news about the bombings?
Millennial B: Yeah! SMH (SO MUCH HATE)!
Millennial A: I know right?! SMH (SHAKIN’ MY HEAD).
Pengeng blade!!! Maglalaslas na ko ng pulso. Eto pa. Ang OTP ay minsan ding ginagamit na ONE TRUE PAIR. In short, bagay. Used in a conversation:
Millennial A: OTP (ON THE PHONE) now with Sasha. She’s raving about Matt, this Southridge guy she met at the soiree.
Millennial B: I saw them one time. They’re so cute together. OTP (ONE TRUE PAIR)!!!
Bakit sila ganyan??! Pero mukhang wala naman tayong magagawa. Either makipagsabayan tayo o maiwan tayong nakanganga sa ere. Kaya review review na mga titas. Tapos gamitin niyo sa causal conversations with your kids, teens, cousins and pamangkins. Tiyak, magiging hit na hit ka sa kanila. 😉
Yung mga kasabayan ng “Pots” di ko na kaya. At naloka ako sa ofc. Haha!
Thanks for sharing it’ll be helpful for me and my daughter convos. Mga millenial talaga. If we dont keep up, Mabubuang ka talaga. …
Pots: from potassium — symbol for potassium is K
K (ok) = Pots
eto pa isa GMT. pag me tinatanong ka na hindi rin nya alam. GMT – google mo tanga
GMG
HAHAHAHA.. tatawa na lang… magre-review din ako latuuurrr, OFC
Hahaha I enjoyed reading this with “halong” confusion. I use them OIAW(once in a while) with my younger co-workers but hit na hit din sa kanila yung mga gamit natin na:
HIV – hair is.vanishing
para da mga tanders or dom at
AIDS – as if doing something
para sa mga boring moments at mga
katrabho na kunwari busy
Love love love
Dati… ang AIDS ay Anit Is Definitely Showing 🙂 Hahaha!
My reaction to this be like:
“OMG!! IKR!”
“Oh My God!! I Know Right!”
You did not include…
IMBA- meaning imbalance
ROFL – rolling on the floor
…
uyy special mention ang alma mater ko!
My kids even use words that are 2 layers from the shortcuts.
1. Scoobs – From the word dehin na naging Deyn eh anong aso ba daw si scooby doo di ba Dane?use: RUF tonight? Scoobs
2. Carps – short for carpet which is a RUG which stands for Are You Game?
3. Pics – short for picture which is an image or IMG.
use: ugu has a sale on Aug. 6. Carps? Pics
Pwede ding isipin nilang cool ka…or mandiri sila kasi feeling pa-cool ka hehehe.
love ko toh : )
FTW – For The Win
ATM- At The Moment
FOMO- Fear Of Missing Out
BAE – Before Anything Else
But wait, there’s more!
ICYMI – In Case You Missed It
AF – As f*ck
TL;DR- Too Long; Didn’t Read (yes, wala daw siyang time magbasa pero may time mag-semi colon)
Marami pa mga tita.
SMDH – shaking my damn head (oa version ng smh)
IRL – in real life
TBH- to be honest
Tbh, this feud going on between kimye and taylor is just annoying! There are so many things happening IRL, like the turkey and france shizz. SMDH.
Pak ganern.