Naalala niyo ang aming tip na top view?
Ang photo ng mga gamit na kinuha using the top view technique ay tinatawag na flatlay. Matagal na nating nakikita ito sa Instagram guys, pero kung di niyo pa rin alam kung paano gawin ito, here are some tips to make your flatlays more soshal!
1. Sa isang flatlay dapat may fini-feature kang products.
Kapag kapos sa gamit, manghiram sa mga kamag-anak, iPad sa pinsan, branded shades sa kapitbahay, polaroid camera sa millennial na pamangkin, earrings ni mother. In short, kape lang ang sa’yo.
–
2. Pero di kailangang madami ang gamit sa flatlay. Kahit isa lang tapos lagyan mo ng storya.
Hinusgahan sa panlabas na kaanyuan…
Sinaktan, niyurakan at sa huli, iniwan. #ParangLuya
–
3. Lagyan ng shadow for more drama…
Hinusgahan sa panlabas na kaanyuan…
Sinaktan, niyurakan at sa huli, iniwan. #ParangLuya
–
4. Di mo rin kailangan ilagay lahat ng gamit sa gitna. Ang kasayangan ng space ay minor issue lang.
Kung bothered ka, lagyan ng quote.
Kahit walang konek.
–
5. Hindi kailangang ayos na ayos ang mga gamit sa flatlay.
Puwedeng parang natapon lang sa lalagyan at nagkataong napakaayos ng mga gamit.
–
6. Kung di ka masyadong confident sa flatlay mo, lagyan mo ng flower or halaman.
Walang halaman
–
May halaman
–
7. A flatlay is very useful for your OOTD na di na kasya sa’yo in real life.
Yung mag-ggym ka kuno pero di naman namin alam kung totoo 😅
—
8. Very helpful din ang flatlay kung may bago kang gamit na gustong ishare pero ayaw magmukha masyadong mayabang.
“Sarap ng kape ko!”
–
9. Hindi lang para sa non-living things ang flatlay. Puwede ka’ng sumama.
–
10. In fact, you can make your flatlay animated!
“Tinola for dinner!!”
Bonus tips: Experiment by combining the tips!
Explore your options. Tips 1 and 10
Hiniram na Products and Animal
photo by @thealbertoesnicolas (Asian Cutie)
–
–
Tips 3, 7 and 9 Combo!
Shadow, Hindi Kasyang OOTD and Living Thing.
–
–
Di ba, it’s so easy to make your flatlays more soshal!
Do you have what it takes to be soshal? Post your soshal climber photos on Facebook, Instagram or Twitter and tag (INSTAGRAM and FACEBOOK) @thesoshalnetwork or (TWITTER) @dsoshalnetwork and #soshalclimber.
TAWANG TAWA AKO DITO HAHAHA. Love na love ko ang chanel na bayong! Soshal na soshal! =))
i love this so much! <3
Nkakalakad ang tinola
bumida ang luya, simula sa simula hanggang sa tinola!
IBA KAYO! PAK NA PAK GANERN NA GANERN!
Kawawang Luya. LMAO!
Di ko po kinaya yung tinola for dinner, mga madam! naluha po ako kakatawa
Nakakaloka talaga kayo girls! I wonder how to flatlay a bulalo na parang tinola pic kanina. haha. 😛
Tawang tawa ako!
Nakakatawa pero super informative. Napapa “Oo nga noh!” ako. Thanks.
Hahahahaha… sooo funny!
Hahahaah pano no pag dinuguan???
Ahahhaa ang saya naman ng learning na toh. Panalo talaga yung tinilang manok
Hahaha! Pucha talsik sipon ko katatawa.
Hahaha! Saan kayo kumuha ng manok??
Alagang inahin ni Father Thunder, ang tatay ni Provinciated.
Ang soshal soshal nung Chanel Bayong na may natapon na bigas and stuff! 🙂
But of course! Alam mo naman tayong mga soshal, pampalengke lang ang Chanel…
Para lang for investigation yung kasama kang nakadapa. Hehehe tapos may ribbon na dilaw sa paligid. Hehehe
Winner yung tinola! Hahaha
Hahaha sobrang saya basahin!
http://pepperonipia.com
“Tinola for dinner!” hahah.
So informative!! Dami kong natutunan.. thanks a lot!!
Nga pala nailuto na ba yung tinola? Hahaha