Naalala niyo nung high school tapos lumalabas ang strap ng bra mo. Sasabihan ka ng friend mo ng codename: ARB.
Ano yung ARB?
Bra na binaliktad. Para daw hindi halata.
Taba ng utak natin noh?
Pero mas mataba ang mga utak ng mga kabataan ngayon…
Sample: Kapag nagyayaya ng lakad ang sasabihin mo CARPS.
Bakit kamo?
Carps is short for carpet.
Another name for carpet is rug. Rug is spelled R-U-G.
Meaning, Are You G(ame)?
Kaya CARPS.
…
Ang sagot sa CARPS — PICS.
Bakit?
Kasi ang pics ay pictures.
In other words, images na ang filename usually ay IMG.
Meaning I Am Game.
Ang PICS, bow.
…
Kapag gumimik ka at nalasing, ang tawag sa’yo ay MOM JEANS.
Bakit mom jeans?
Kasi you became HIGH and WAIST-ED.
Boom!
…
Kapag tatanggi, should you simply say no? Of course not! Dapat ang sabihin mo SCOOBS.
Scoobs is short for Scooby Doo.
Ang breed ni Scooby Doo ay Great Dane. Dane that sounds like Filipino slang na “Dehin”…na binaliktad na Hinde.
So next time na hihindi o magsasabi ng no, ang sabihin ay SCOOBS.
…
Pag magpapasalamat, say GUMPS.
Gumps ay galing sa sikat na pelikulang Forrest Gump.
Sino bida dun?
Diba si Tom Hanks a.k.a. T. Hanks o THANKS.
Kaya naging GUMPS.
Jeskelerd.
…
So, nalalabuan ka pa ba sa mga millennial terms?
Kung nalalabuan ka pa… ang tawag sa’yo ay TITANIC.
Bakit Titanic?
Naalala niyo yung love scene ni Rose and Jack?
Di ba naging MALABO yung salamin dun?
Yun, kaya Titanic.
Pero inimbento nalang namin yang Titanic na yan. #Maka-relate lang.
…
Til the next lesson!
Thank you Camille and friends for this! Love na love ko ang mga article nyo.
I’m only 20 pero I’m finding it super difficult to keep up with this lingo HAHAHA yung iba sa friends ko ganyan mag-usap and ako parang, “can we talk like normal human beings” nakakaloka hahaha
http://pepperonipia.com
OMG! Im such a tita na! I don’t know these words!
Homaygad. I just love you three.